Community Walk Blog #2
Eto nga pala ang mga lugar na binigyan ko ng pansin sa aking paglalakad kasama ang aking lola 😊, Sa mga unang litrato ay makikita ang magagandang tanawin sa aming park, napili ko na maglakad lakad dito dahil eto yung lugar kung saan laging may tao at eto yugn masasabi ko ng "safest place" sa aming komunidad dito naglalaro ang mga bata at nagpapahinga ang ilang mga pedicab driver sa aming lugar, pero sa pang-apat na litrato makikita niyo na pinicturan ko ang aming creek, na kung tawagin ay "Halang Creek", isinama ko siya sa aking blog kasi nakikita ko ang Halang Creek bilang isang hazardous place, bakit? dahil marami kasing nadudulot ito na pinsala o panganib sa mga tao, una ay ang amoy nito na umaalingasaw lalo na pag gabi, para kasi siyang tubig na naimbak kaya namamaho, pangalawa ay ang pagiging dahilan ng pag baha, lalo na sa lugar namin dahil pag umapaw na ito ay maduming baha na ang umaagos sa lugar namin, at pangatlo ay ang kawalan ng harang lalo na at ito ay nasa tabi ng park, baka mamaya ay may mahulog o madisgrasya. Para sa akin ito ang mga napuna at gusto kong bigyan ng pansin sa aming komunidad.






