Sabado. May 26. Project EDSA. Peace Mural Painting. Yellow team.
Maaga kaming (kapatid ko, Jers at Alex) dumating sa EDSA monument dahil naeexcite kami sa mangyayari. Ayun, naghiwa-hiwalay din kami kasi kami ni Jers sa yellow pero magkaiba ng team leader. Si Alex sa blue at si kapatid ay sa red.
Pinagsama-sama na ang lahat ng magkakakulay at magkakaparehas ng team number. Sa grupo namin, dalawa kaming KRISH ang nickname. Dahil wala kaming team leader, may nag-proxy (Ate Princess, 28 years old). Matapos ang ilang oras ng orientation, kanya-kanyang designations. Kanya-kanyang pader na pipintahan. At para sa akin, oras na yun para kumausap ng ilan kong kasama na 3 FEU studes at magkakabarkadang Manilenyo. Nakakatuwa lang silang kasama kasi sila yung pinakahanda sa amin sa dala nilang materyales para sa mural painting.
Sa grupo namin, parang ako naman yung tumayong team leader kahit na may kasama pa kaming proxy kasi ung mga estudyante, sa akin nagtatanong kung anong magiging itsura ng mga kulay, paano yung strokes at iba pang mga detalye. Nakakatuwa lang yung part na yun. At nagkakaisa naman kami sa konseptong binubuo namin.
Nang makatapos, dala ang mga gamit namin, tumulong kami sa iba.
At dahil hindi pa tapos ang mural painting, pupunta ulit kami sa EDSA para sa third leg. This time, kasama na ng mga CJs.
Isang bagay lang. Nakita at naramdaman ko ang diwa ng pagkakawanggawa.