Top 3
Patintero
“Bantayan tayo Award”
Isa sa mga nilolook forward kong laro ito sa mga naka line up sa klase na ito. Yung mga ganitong laro na old school na masarap laruin muli kasi bumabalik yung childhood memories. At bihirang bihara na rin ang mga batang naglalaro nito sa ngayon. Dahil ang mga bata ngayon kung hindi sa computer ay sa tablet na naglalaro. Sayang lang at namimiss ng mga bata ng henerasyong ito yung saya maglaro kasama ang mga kaibigan sa labas ng bahay sa ilalim ng araw.
Highlight
Late na ako nakadating nung nilaro itong game na ito. Malapit nang matapos ang game pero nakasali pa rin naman ako.
Kakampi ko si Chai, ako papunta pa lang sa dulo tapos binabantayan ako ni Gale para hindi makalagpas sa kabilang linya. Si Chai naman ay nasa kapareho kong box pero siya pabalik na sa umpisang linya at binabantayan siya ni Ria. Ang patotot si Sarah na binabantayan si Raymond na palabas nang pinaka unang linya para manalo kami. So si Chai, nilalansing si Ria para makalagpas sa kabila, since andun din ako, ginugulo ko si Ria para makalagpas si Chai, pero sa tingin ko mas naging mahirap kay Chai pa kasi ang laki kong harang na imbis naka salisi siya eh nakaharang ako sa tatakbuhan niya. So tinigilan ko ang panggugulo sa diskarte ni Chai, inatupag ko ang pag salisi kay Gale na nagawa ko naman. Nakalagpas ako kay Gale at kay John ng mabilisan, tapos balik pwesto ako kasama ni Chai, ang kaso sa likot ni Chai, hindi niya napansin si Sarah na patotot kaya ayun nataya kami. Sayang lang kasi andun na ako eh, mas madali na naming malalagpasan sana si Ria, kaso nataya si Chai agad ni Sarah. Nagkagulatan pa sila kasi nawala sa isip ni Chai na may patotot at si Sarah nagulat kasi nahawakan niya yung chest ni Chai. At dun nagtapos yung game.
MVP
Chai Padlan






