Minsan nakakapagod din
At mabigat sa damdamin
Sa panahong naghihintay ako
Bumabagabag sa isipan ko
Kung tama ba na umasa sa'yo
O sarili ko lang ang pinaniniwala ko
Minsan kasi'y di ko rin maintindihan
Bakit kailangan akong masaktan
Bakit din kaya nahihirapan
'Diba dapat masaya lang?
Siguro nga'y mahina ako
Na bibigay, lalo na kung tungkol sa'yo
Minsan nama'y parang ayoko na
Na sana maglaho nalang na parang bula
Laging tanong sa sarili
Bakit lahat nalang hindi madali?
Hindi ba pwedeng maging magaan
Ang daan sa dasal na inaasam?
Minsan kasi parang ako na lang mag-isa
Na para bang wala akong kasama
Lahat naman ay kinakaya, diba?
Kahit madalas ay mahirap na
Siguro ay natatakot lang ako sa mundo
Kasi madalas sakin ay 'di pabor ito
Minsan talaga ako'y nagdadrama
Pasensya ka na kung nadamay ka pa
Kailangan ko lang ding ilabas ito
Para di narin mapuno ang aking puso
Pero kahit na ganito, nasasaktan, nahihirapan
Tuloy tuloy parin ang laban
-wordsandpoemstojohn











