PaImport at PaStar #1
Naiinis ako sa mga kaibigan ko na hindi sumusulpot at tumutupad sa usapan. Ang lakas maka sabi ng OO pero pag dating sa meeting place, WALA. Ano ba napala nila sa kakaganyan nila. Tawag ko sa mga taong ganun ay "paStar" or "paImport".Â
PaStar - Feeling angat sa lahat. Never itong dumating ng maaga. Gusto neto eh dadating sya yung tipong siya na lang ang hinihintay. Root word "Feeling Star". Isa sa karumaldumal na katangian nito ay minsan paghihintayin ka tapos di naman dadating.
PaImport - Â paImportante. From the root word "feeling importante". Ito yung tipong sasama naman talaga papapilit pa. Ito yung mga malakas Umoo pag niyaya mo. Tapos di ka sisiputin sabay sabi nakalimutan ko pre. Or Di mo ko tinext.Â
Mahirap din kaya ang maghintay. Kung hindi sasama eh sabihin na lang sana. Hindi yung ang lalakas mag yaya tapos wala. Walang kwentang kausap na tao ang mga taong walang isang salita at di marunong tumupad sa usapan. Ito ang mga taong dapat iwasan.Â













