If he can afford to lose me, bahala na. Hindi ko siya pipiliting gustuhin pa ako. Kung sa maliit na bagay lang din magtatapos ang relasyon namin ng walang sapat na dahilan, masakit pero wala akong magagawa. Nakapagpaliwanag na ako. Nasabi ko na yung totoong nangyari. Pero hanggang tanong lang siya kung pwede pa ba? Sa pinapakita niya, parang nag-uumpisa palang kami. Aware na yata ang lahat na ang babae, hindi tinatanong ng ganung bagay eh. Alam kong alam niya na ayaw ko na tinatanong ako. Kasi alam ko ring alam niya na hindi ako nagbibigay ng sagot. Kung gusto niya talaga na magbalik pa, makakagawa at makakagawa siya ng paraan. Mahal ko siya. Pero nasaktan ako sa ginawa nya. Hindi niya agad ako makukuha pabalik. Oo masakit. Pinaramdam nya lang naman na kaya niya akong mawala ng basta. Magkakamali lang ako kung makakagawa siya ng bagay na magpapabalik sakin sa piling niya.













