Kahit na
Kahit na sa mga araw na ganito Kung saan sarili ko ay hindi maipagtanto Kung saan napakahirap humanap ng ilulugar, Kung ilalagay ko ba ang mga paa sa mga ulap o dahan dahang ihihiga ang ulo sa unan habang umiiyak- Mahirap at nakakalito Hindi masabi at maituro kung nasaan na ba ako. Ngunit kahit na sa mga araw na ganito Kung kailan ang pagkawala ay nakakahilo at nakakalito Kakapit ako sa pag-asa ng pangalan Mo Na sa bawat pagsambit ko ay unti-unting makikita muli ang bukangliwayway na sa aking gabi'y ipinagkait.

















