Sa kanyang panayam sa isang radio station, binanatan ni Cong. Odie Tarriela ang Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC) kung bakit hindi makapag-abono ng P200 million pambili ng krudo gayung napakalaking kumpanya naman nito.Â
'NAPAKALAKING KAGAGUHAN' aniya ito at hino-hostage na nito ang lalawigan dahil nag-iisa siyang power provider/supplier.Â
Ang kanyang mga pahayag ay kasunod ng naunang emergency hearing na ipinatawag ni Sen. Raffy Tulfo, April 4 dahil sa patuloy na krisis sa kuryente kung saan 4 na oras na lamang kada araw mayroong kuryente mula na nagsimula noong April 12, 2023.Â
Sa nasabing hearing, siniguro ng National Power Corporation (NPC) na makakapagbigay sila ng Php202 million subsidy sa OMCPC sa April 21, 2023. Pero hindi na nila ito nahintay at nagpadala nga ng sulat sa OMECO noong April 12 na hindi sila magpapa-andar ng isang genset dahilan para maging 4 na oras na lamang mayroong kuryente.Â
 Ayon pa sa OMCPC, 3 buwan ang kanilang utang sa krudo. At kung matatanggap ang Php202 million mula NPC ay isang buwan at kalahati lamang ang kanilang mababayaran.













