Siamorre Bonding Day
sobrang pagod kagabi kaya hindi na ako nkapagkwento.
Nagkita kita muna kami sa Tanauan Mcdo ng mga 8 30, may isang na late kaya naiwan na. haha
kumain muna ako, gutom na kasi. dahil umuulan that time, nagkape ako tsaka apple pie. sarapp ng breakfast ko. :)
pumunta na kami kina Mariz, taga Talaga sya. Late kami ng 5 mins., automatic P2/min late kaya kailangan magbigay ng P10.
unang game namin ay Amazing Race. nagbunutan ng partner, si Dianne sakin at last kami gagawa nung race. First station, basketball. keri. next. jump rope, medyo keri. next ay pedometer. keri din. last ay di ko alam tawag pero kering keri. haha. ang ending, 2nd place kami. :)
after that, lunch time na. dahil nakakapagod at nkakagutom. madami ako nakain ;)
preaparation na sa second game, which is. volleyball. damn that. di talaga ako marunong, ako pa ata nagpatao sa team ko. haha. sorry ferds, tabs and te jully. weakness ko talaga. next time, marunong na talaga ako. haha
next game naman, patintero. talo na naman kami. im with clauie, mariz and te jully. 3-0. nganga kami. tapos yung lagi pang napapatapat sakin, pinapagod ako ng bongga; suko kami. wala na e. hahaha
ginawa namin lahat ng game na yun sa court ng Talaga. malinis tsaka walang ibang tao. hindi nkakahiya. :)
umuwi kami after nun at nagluto ng merienda. pansit. nagprepare na rin for our last game. walang kamatayang pinoy henyo.haha. partner ko si Mariz at pagkatapos ng 3 rounds, may nanalo na at kami yun! finally may ipinanalo din. hahaha. while playing may graham pa. tsaka sangkatutak na fries na halos hindi namin naubos.
ginabi na kami kaya nagdecide na uwian na. bigayan na ng cash prizes sa mga nanalo. at kahit may bad news na mababa daw binigay ng isa naming prof sa lahat, wala na kaming pakialam kasi last na. at wala na din magagawa.
group pics naaaaaa :)
pagkatapos ng lahat, sobrang naging masaya ako kasi naging bata ako ulit at for sure, mammiss ko ang grupong to. I LOVE YOU GUYS. sana maulit pa. hindi na tayo mga estudyante pero pag tayo magkakasama. we are young and free. :)














