Miss Granny, 2018, PH
MISS GRANNY
sabi nila sa million-dollar-worth researches the best time to post on facebook is on Wednesday 3PM and the worst time is 8PM onwards on a weekend. kaya andito ako kasi lowkey is life pa din motto natin syempre kasi that's how i roll
salamat mga solid popsters may available pa na ticket on a Sunday night. bago ko tumuloy salamat muna sa unfathomable positive responses mga pare. truth be told last week ko pa gustong mapanood 'to kasi more than six, less than eight, equals seven na kakilala ko' yung nagtanong kung maganda daw ba 'yung Miss Granny ng 'pinas pare.
so to cut the long story short, SOBRANG GANDA pare. duh! fight scene involving bangus at talbos ng kamote, tapos samahan mo pa ng witty quips, natural theathrical prowess, at boses ni Sarah G pare. wala ka nang hahanapin pang iba. shout out din sa favorite APO Hiking Society member ko of all time, Boboy G! for the win si Bubuy (yan tawag ko saknya, first name basis kami pare) . mahusay 'yung Reid at Lim dito, pero iba din talaga 'yung Garovillo pare.
oh easy lang hindi naman 'to usapan ng kung anong "mas" magandang pelikula na nakasalang ngayon sa mga sinehan. ang point ko lang wala naman tayong pakialam sa ekonomiya ng Zimbabwe, kasi Pro-Philippines naman tayo pare.
and this is the best version of Miss Granny pare! bago mo pa maisip na bias ako pare uunahan na kita ng sorry kasi tama ka di ko naman napanood yung iba e. pero kung ibang versions ng Miss Granny e tinangkilik sa mga bansa nila, bakit natin pipigilan sarili natin para panoorin yung sariling atin diba pare.
sobrang galing nung Sarah G pare. given na syempre yung fact na ang ganda ng boses niya so she killed all scenes na kumakanta siya. pero dito pare lahat ng may kanta siya may kwenta, may emosyon pare sobrang bangis kasi kung gusto niyang pasayahin ka, magagawa niya. tapos kung gusto niyang magpaluha, kaya din ng boses niya. sobrang proud ako sakanya, habang pinapanood ko iniisip ko ako si Matteo Gudiche.... Gudeeche... Gyudishel... Matteo Guidicelli! *thank you google*
gusto ko 'yung pelikula kasi inaalog niya 'yung lipunan sa issue ng Ageism pare. Ageism! hindi yan relihiyon ng mga sumasampalataya sa mga pambirit na kanta ng Aegis pare. iba yun. yan yung mga unacceptable behaviour na hatid ng paniniwala that older people are of less value than younger people. what's up madlang people!
at dahil nagaaksaya ka na lang rin ng oras sa kwento ko edi kwento ko na din sayo mga realizations ko kahit hindi ka naman nagpapakwento coz that's how i roll
1. Mother knows best. But Lola's love is twice better than a mother's love. Kasi nanay na siya, lola pa! *mindfvck*
4. Ang buhay ay isang mahabang kanta. May intro, refrain, chorus, bridge, at outro. The challenge is not on being the best singer, the real challenge is to make your song worth listening to! *drops mic*
3. Hindi naman laging nasusukat ang lungkot. Hindi naman laging nasusukat ang saya. Hindi ka lugi kung "mas" malungkot ka. Hindi ka lamang kung "mas" masaya ka. Hindi naman dapat sinusukat ang emosyon.
1-4-3 para sa lahat ng Lola sa 'pinas!
astig ng product placements sa pelikulang 'to kasi hindi annoying. effective kasi hindi naman nadivert attention ko sa plot ng pelikula. after nga netong movie parang gusto ko humigop ng Lucky Me noodles habang nagwiwithdraw sa BDO atm. swabe ng product placement pramis. Swabe!!! sa movie trailer alam naman nating lahat na nagpapicture si Nova Villa bago siya naging si Sarah G diba. alam nating lahat yan kaya hindi na spoiler yan. ang hindi natin alam pwede din tayo magkaron ng malupit at maangas na picture kapag kinuha natin services ng Christian Turingan Photography ! hindi kayo fictional na babata sa picture pero yung memories ng mahahalagang pangyayari sa buhay niyo sure na matetreasure. Swabe diba 👌
Support Local!
















