paulit-ulit na lang, akala ko iba na. siguro, alam ng Panginoon na meron pa rin kaunting pag-asa sa puso't isipan ko. Kaya naman siguro isa 'tong malupit na laro na ginawa niya para tignan kung naniniwala pa'ko na may makikilala pa'ko na gugustuhin ako. Pasensya na kung umaasa pa rin akong mayroong mag-mamahal sa akin, yung taong isinabuhay lahat ng dinarasal ko sa Diyos at mga Santo. Pero bakit palagi na lang akong bigo? napapagod na'ko umasa, mag-dasal, at mabuhay nang isa pang araw na umasa na mayroong tao na seseryosohin ako.














