Yeah I'm home. Actually kanina pa pero dahil nga dakilang Maid ako ngayong week eto ako medyo pagod pero marami pa ring energy. Bale pagkagaling ko ng simbahan may meeting ako. Namiss ko mga taong yun. Isa ako sa mga pinakamatanda sa kanila namiss ko pa rin makipagkulitan sa kanila. Pagkauwi ko kayod agad. Kain muna sandali sabay hugas ng pinggan, kaunting linis ng bahay, nagsara ako ng tindahan namin, nag-ayos ng kwarto nila Mama at Papa at yun lang. Marami yan no. Pero kahit medyo busy ako kanina nagawa ko pa pumuslit ng Isaw.Â
Hindi kasi ako pinapayagan ni Mama kumain ng isaw dahil marumi daw. Halaa. Maka arte si mama akala mo naman mayaman kami. Pero yun nga. Dahil maagang natulog pumuslit ako. Sarap ng unang tikim. Sama ko. Sumuway ako kay mama. Wag niyo ako gayahin please.














