Ok lang ako.
"Ok lang ako" kadalasan yan yung sinasabi natin pag kinakamusta ang isang tao, pero ano nga ba ang nasa loob ng isang taong nag sasabi ng "Ok lang ako"? Di natin alam. Kasi sabi nga nila ok lang sila. Pero minsan sa loob ng salitang "Ok lang ako" nakatago dun yung mga hinanaing, yung mga sakit, yung lungkot, yung selos. Lahat ng tao sinasabi to. Bakit?
Simple lang, para itago yung totoong nararamdaman nila. Kailangan nilang magpigil. Kailangan nilang itago. Bakit? Kasi siguro di na din dapat pang pag-usapan? o mas ok na lang na sila na lang ang nakakaalam? o baka humantong pa sa ibang diskusyon kung sakaling sabihin nila yung totoong nararamdaman nila.
Masakit diba? Pero mas mabuti na lang na itago mo yung nararamdaman mo at mag kunwari ka na ok ka lang. Pero minsan talaga may mga bagay na hindi mo na kaya. Yung gusto mo ng sumigaw! Yung gusto mo ng mag tanong! Bakit? Di ba nila naiisip na may damdamin ka din? Di ba nila naiisip na nasasaktan ka din? Ano ka robot?
Minsan nga gusto kong itanong talaga kung ok lang ba talaga sila. Kasi lahat naman tayo sinasabing ok lang. Walang taong manhid. Nasasaktan, Nagseselos, Naiingit. Lahat tayo may pakiramdam.
Mabuti mong gawin. Mag isip. Tanungin mo sarili mo kung itutuloy mo ba? Mawawala yang sakit? o mag kaka gulo lang at lalong mas madadagdagan yung sakit? Pag isipan mo, ikaw na lang yung umintindi. Kaya mo yan! :)
















