'pagod na ako' nakakapagod na. pangalawang beses ko na to. pangalawang beses kong sinubukang tumaya at sumugal sayo. pangalawang beses kong piniling balewalain lahat ng mga taong nakapaligid sa akin na gusto akong pahalagahan at mahalin. pangalawang beses kong magpapakatanga sayo. pero nakakapagod. dahil muli, sa pangalawang beses, ibang tao parin ang hinahanap hanap at nais mong makasama. masakit isipin. ilang ulit kitang pinipili. ilang ulit kitang pinahahalagahan. ngunit, sa dami ng mga pagkakataong ikaw lang ang pinaglalaanan ko ng oras at atensyon ko, ganong dami din ng beses mo akong balewalain. ganong daming beses mo ding sinasamantala ang kahinaan at lalim ng nararamdaman ko sayo. dahil sa lahat ng mga oras na ako ang kasama mo, ni isang beses. wala dun ang kinakitaan ko ng sinseridad. lahat ng mga oras na tayo't nagkakasama, lahat ay nang dahil lamang sa wala kang ibang maaya at makasama kundi ako, wala kang ibang mapagpilian dahil wala yong taong mahal mo at ako ang nasa harapan mo. wala kang ibang makitang maaya na sasama at papayag kaya't ako ang naisip mong isama. ngunit ni isang beses sa bawat pag-labas natin. wala ni isa, wala ni-isa dun ang naramadaman kong iisa na ang nararamdaman natin. dahil lahat ng mga yon, walang ibang ibig sabihin sayo, dahil lahat ng mga alaalang yon ako lamang ang nagbibigay halaga dahil ni minsan, hindi mo ako binigyang halaga dahil isa lamang akong pampalipas oras para sayo.
maedcny v.3.0.








