102013 Happy birthday, Loweesss!
Pakshet birthday ni Ann Lois nga pala no. Hindi to appreciation post excuse me... kwento lang to. Galing kami sa school, nag asikaso ng special project kuno. Maaga pinauwi kaya dumiretso sa SM para maglunch. naiwan kami ni Jile kaya diretso kina Pau, gagawa dapat ng assignment sa Discrete. Then... mga bandang hapon nagtext Gino na magkikita kami by 6pm dahil pupunta daw sila ni Ann. Ok so uwi ako mga 630. Nga pala.. dumating si Ann mga 9pm. Hahahaha basta ganyan. Kala mo naman nagparty sa sobrang late!!! Ay oo nagparty sya, dinalan pa nga kame ng keyk.
Hay nagreformat kami ni Gino habang inaantay sya. Minbeet namen sya sa may triump... habang bumibili kami at nag aantay, umupo sya sa tabi ni Gino. Upong walang inuupuan a. Basta umupo. Tinulak ko sya, at tinulak nya si Gino pero nakatayo si Gino at tuluyang bumagsak sa semento si Gila...Hahahahahaha sumigaw ba naman siyang, "Ay putangina, college na tayo guys ohhh!!!" Hahaha walang hiya! Sabagay, ikaw ba naman ang humiga sa kalsada hahaha. Hindi naman kalsada yun e, slight lang. Pero mabait si Gila nito, sabi nya nanlibre sya kahit tinipid kame. Nakakahiya naman. Ang yabang pa ampucha papakainin daw ba nya ang buong datingginoo family? Pucha e pizza lang naman ang binili nya. Hahahaha Lugi pa kami sa tubig at hangin at kuryente na rin e. Hahahah Mayabang sya may bago daw sya laptop actually. Di namen alam ni Gino kung san nya nakuha pero bago daw yun. Sige. Haha.
Late na namin nahatid si Gino pauwi.. si Gino lang kasi mag oovernight na si Baby G samen haha nakakatuwa kahit walang matulugan, oks lang sakanya basta magkasama kame :"> hahahahahahaha! Salamat pala sakanila dahil dinamayan nila ako mag ano-ano ng grades nun, si Gino pa nga ang nagsagot ng survey kay Venz at konti kay Mark. Sya ang inuutusan ko dahil medj panik na ako. Hahah. Tapos nung naiwan kami ni Ann nung gbai, nakahiga ako at nakasalampak sa sahig tapos nasa upuan sya, nakakatawa... pinipicturan ko sa webcam, galit na galit. Ang ingay namen. Kung ano-ano kasi napipicturan ko, mga pwestuhan kase hahahaha! Ang ingay-ingay, nakikiusap na ayusin ko, burahin ko mga ganon hahaha! At ang ganda ng pabirthday ko sakanya, dinelete ko isang picture na inupload ko, naappreciate nya nakakaiyak. Dapat nag aaral ako nun at may defense kinabukasan pero nagfefesbuk ako, tapos nagsalita sya... "Dayan pucha, mag aral ka na nga pesbuk ng pesbuk!!!" nakakatuwa si ann... sakanya pa talaga nanggaling yun? Haha hays pero di ko na kaya, so natulog ako. Hahahahaha Sabay kami umalis sa bahay nung umaga, pumasok ako at umuwi sya. The end.
Hi Ann, happy birthday, nag expect ka ba post para sayo to? Kung ganon... ang kapal din naman pala ng mukha mo. Gaano ba kita kamahal para gawan ng ganon? Jokkk =( Di ako nakagawa kasi naging sobrang busy =( Nawalan na ako ng time para sayo... hindi na kita napapakain, napapaliguan huhu sorry na oh. Di na kita nadadala sa veterenarian, ayan... malala galis mo. Ay waley ano ba naman yan. De, nakakainis ayoko gumawa ng mga post post kasi andami nagpost sayo na inutusan mo, sina ano nga ba pangalan nun... boongaling? basta sila. Bagong prends mo </3 Huhu. Wow selos? haha. Alam mo namang mahal na mahal ka namen, mahal na mahal kita. Di ko nakakalimutan na ako lang nagsasabi sayo dating maganda ka... di ka naniniwala, di kita masisi pero totoo.. ang ganda ganda mo na sa mata ko dati pa. Huhu hahahaha jok huy totoo naman diba? Dati ko pa sayo sinasabe na ang ganda ganda mo huhu uulitin ko ngayon kasi birthday mo. Sasabihin mo siguro, "Gago ka talaga Dayannn!" haha alam mo ba sayo lang nagiging maganda sa pandinig ko ang mura. Hahaha may class ang habey habey ng bunganga mo. Â Huy ann, gusto ko ng marmaing bondings halika na, sembreak ko na hahaha kumain na tayo ng hotcake at bumili ng palamig at mag angels. haha panis... mga ganyan ang mga moment natin e kasi jologs tayoooo!!! wooo.Â
Sorry na ann, sorry pala dati kasi lagi ka namen binubully ni Gino. Kunyari nagalit samen si Paul, magagalit kame sayo... tapos sasabihin namen traydor ka, takot kay Paul mga ganon hahaha kasi gusto namen galit din sayo haha pero jok lang yun, pero habey diba. Bakit kame nagagalit hahahaha nakakatuwa di mo mahandle mga ganon. Magpapawis ilong mo. Diba ganon ka? Panis ako lang nakapansin nyan haha. De, miss na miss na kita at proud na proud ako sayo lalo ngayon. Wooo survivor ka kahit na nadapa ka sa play dati at nascam ng ilang libbo. HeheÂ
Love u blue. Putsa bakit ba blue hahaha kadirsss. Happy birthdayyyy! 4evs sistarrrrr <3Â














