July 21, 2018 03:47am
63 days nalang before boards pero punyemas parang wala parin akong kaalam alam???
By this time, Harr na ata or Apollon binabasa nang iba pero eto parin ako stuck sa pagbabasa ng notes sa review center. Pano ba naman, kahit panahon nakikisabay sa pagka antukin ko. Iyakkk talaga. Grabe di na to pwede. Ang hirap humugot ng motivation when sobrang down ka sa sarili. Everytime maglelecture tas nasasagot ng mga kasama mo yung mga tanong mas lalo ka kasing panghihinaan ng loob. Like wow amazing pano mo nalaman yan? Ang bobo ko bat di ko yan alam. May mga ganitong level talaga huhu.
It's not like hindi ako nag-aaral. At least 5h per day nga ako nagbabasa pero sobrang bagal ko lang talaga. Nahihirapan akong magfocus, I think? Nasa point na akong tinitime ko sarili ko pag nagbabasa - 10 pages/h lang talaga kaya ko. So like at max 50 pages lang per day kaya ko. Okay paba to? Keri paba? Huhuhu. Sana kayanin. Punyemas preboards pa nmn 1st week August. And here I am, finding myself. Hinahanap kung san napadpad motivation ko mag-aral. Motivation to sleep lang ata meron ako ngayon.
Pero I think din I overwork myself kaya ang bagal ng progress ko? Buong araw nauubos ko sa pagbabasa pero may times talaga na 1 pages lang ako kahit 12h pa ako nakaharap sa notes ko jusko. Iyakkk. I need a break na talaga. Pero bwisit naman din pag kaharap ko phone ko tas mag Ttwitter ako, nakikita ko yang mga polls na yan. Pwd mahiya naman kayo sa taong gusto lang basahin mga chismis ng world? Nag twitter nga para makatakas sa aralin, mas lalo niyo tuloy pinapaalala na wala pa akong natatapos. Huhuhu. Ayan tuloy di na ko nagpapaload ng mobile data para iwas sa mga panira ng buhay.
Sa sobrang down ko, tropa ko na nilapitan ko. And I think what one of my friends said is the best motivation I've heard for the past months.
"Huyyy wag niyo ko ipressure. Pero I'll still do my best para hindi kayo madisappoint. 1 subject pa natapos ko tas august na preboards. Kaya ko paba to huhuhu tinatawanan ko nlng kalagayan ko dito."
"Do it for yourself, proud naman kami sayo. Don't worry isa rin ako sa mga lowest nung preboards kasi wala pa akong natapos. Always feeling kasi natin di pa tayo ready pero just do your part and magtiwala ka kay Lord. Kapit ka lang sa kanya always."
This is the time you need your support system the most. Maybe family mo, si babe or friends. Kahit sino basta humugot ka ng inspiration. They will be your source of motivation during the times down na down ka. So ayan, chance mo na to para kausapin si crush hahaha. Joke lisensiya muna bago landi beshies.
Prior to the convo, sabi ng friend ko sabay daw namin icecelebrate despidida niya, graduation ng isang friend namin tas pagkapasa ko. She's leaving na for Australia this year kasi so ayun I'm so happy for her after knowing lahat ng struggles dinaanan niya dati nung nagboards siya last March. Lahat ng aya ng barkada na tinatanggihan niya, lahat ng breakdowns after mocks. Friends who always encourage you to be your best are solid talaga, so never let them go. Always be thankful andiyan sila for you. 💕
Tapang ng loob puhunon ko for boards, so I need all the help I can get para mamotivate sarili ko. Kahit gano pa kadami inaral mo, if wala kang tiwala sa sarili mo at mga sagot mo, goodbye boards parin. Kaya no matter gano kahirap mga kasunod na araw, kakayanin to para sa mga pangarap.
So okay. Study break is over. Aral na ulit si acoe. Potaaa Hema at CM exam namin bukas. Huhuhuhu kakayanin.
#fighting #RMTsept2018












