Isang lalaking pinakilala sa akin, reto kung tawagin.
Pinsan kamo ng ate ko sa simbahan, kung san lagi kaming nag kakakwentuhan.
Chinat ako sa messenger na tila nag papahiwatig ng pagka gusto,
Ako naman si "Go with the Flow" at nagreply ng "Hello!"
Sa chat ay masasabing kami'y naging magkaibigan,
Nagkita kami, sa palengke lang sa syudad para malapit lang sa tahanan.
Hindi alam saan gagala kaya ayon, kumain nalang ng inasal.
Masarap na pagkain at kwentuhan, biglang sabi nya'y punta kami doon sa tambayan,
Condominium daw na tambayan nila ng tropa nya.
Ani ko nama'y hindi ako pwedeng abutin ng dilim dahil tumakas lang ako sa bahay.
Sabi nya'y saglit lamang, at sagot nya na lahat.
Matapos kumain ay bumili pa kami nang snacks upang sa tambayan ay may kainan parin habang nagkekwentuhan.
Pagbaba ng Jeep ako'y nag alinlangan, hindi naman ito isang condominium na ani nya'y tambayan.
Ngunit wala akong imik ako dumiretso sa loob.
Pumasok sa kwarto sabay sabing "Bat tayo nandito? Sabi mo condominium?"
Alanganin ngunit ang sagot ay ganun pa rin, "Dito kami tumatambay ng tropa."
Sa isip isip ko, "baka mga babae ang tropa?"
Alam ko na ang susunod na mangyayari, kaya pala beer ang binili.
Alam ko naman ang dapat kong gawin, iyon ay pangalagaan ang bataan.
Naginom, nagkwentuhan, nagakapan, pero nang magtatanggalan, tigil tayo dyan.
Ani ko'y "sa susunod na lamang, dahil hindi pa naman ito ang huli."
Pero bakit ganon? Totoo ang aking mga nababasa, dahilan nila palagi'y "Di mo ba ako gusto o mahal, sinta?"
Gusto kong sumangayon sa sinabi nya, ngunit inulit ko lamang ang aking sinabi,
"Sa susunod na lamang, dahil hindi pa naman ito ang huli."
At dumating na nga ang oras ng aming paglabas.
Paglabas sa kwarto na tila ba'y walang nangyaring pamimilit.
Lumabas ng kwartong walang pagsisisi at bilib lamang sa sarili.
Marahil kahit anong pilit, nailigtas ang bataan.
Ito ang munting pangako, na ito'y pangangalagaan, hanggang sa maialay ito sa binigay sa akin ng maykapal.