Letter #920:
Hi JM,
Wala ka namang tumblr kaya okay lang, ay meron pala! Ako pala kunyari yung walang tumblr kaya keri lang. Sana lang talaga walang maharot na makakilala na ako to, at walang maharot na magpabasa nito sayo. Kasi ipapalapa ko sya sa aso namin.
Dejk ito na. Non-sense to kaya sana wag mo na lang talagang mabasa, kasi pag nabasa mo to masasaktan ka. Hahahaha kasi yung taong gusto mo hindi lang ikaw yung gusto, dalawa kaya kayo alam mo ba yon? Ang saya-saya mo pa naman kasi nalaman mong gusto ka rin nya, eh ang kaso hindi lang ikaw yung gusto nya. DALAWA kasi kayo, saya no? Ako ikaw lang promise! Ay charot hahahahaha.
Ikaw naman kasi andito lang kaya ako, sa taba kong to imposibleng di mo ko mapansin! Ay kaloka. Ang drama! Hahahahaha wag ka kasing bigay ng bigay sakanya di ka naman sure kung ikaw lang tsaka wag mo kong nilalandi kung sya lang talaga jusko ayakong umasa please lang. Tanggap kong best friend lang ako, kaya wag kang maharotcha dyan!
May echos ka pang sinabi mo saking nandon sa bahay nyo yung kapatid mo kaya samahan kita tas nung malapit na tayo tsaka mo lang sinabi na wala pala. Aba chix ka? Nabasa ako ng ulan at sininat ako dahil sayo, tas matutulog ka na lang kaylangan nakayakap ka muna sa braso ko at nakahawak ka sa kamay ko, aba naman! Pa-hulog ka talaga eh ano? Ikaw kaya ang ihulog ko.
IKAW KAYA ANG IHULOG KO SAKIN?! Ay harot! Hahahaha dejk lang. Basta ayon dalawa kayo sa buhay nya kaya umayos ka. Akin ka na lang daw kasi
-C
















