Letter#855:
Jk
Hi. Ano kamusta ka sa London? May gusto lang akong sabihin. Madami. Hais. Pano ba ito? Eto na, kasi nagpalitan tayo ng facebook username and password. Tapos lately, bago ka umalis alam mo na naman na sinisiraan ka nung ex, ko actually, hindi ko alam kung totoo o hindi, ayoko maniwala sa kanya kasi wala akong tiwala sa kanya, at sayo meron. Naniniwala ako sa mga sinasabi mo, at sa mga sasabihin mo pa. :) Ngayon nung, nasa plane ka, inopen ko yung facebook mo, Ona nga chickboy kang tunay, nakita ko yung convo nyo nung ex mo wala naman masama, natuwa nga ako kasi hindi mo ni-read, inopen ko tapos nakita ko sabi nya ‘Mahal ingat sa byahe’ ouch lang. Yun lang yung message, hindi ko alam kung sa text kayo magka contact non o nagbura ka ng conve nyo, pero wala na yun, ngayon naman, yung sa bestfriend mo, hindi tayo alam ko e, wala tayong status ngayon, pero sinabi mo sa ex mo na tayo, naguluhan lang ako, hindi pa tayo malinaw, sinubukan kong basahin yung conve nyo pero putol din -_- Hahais. Sorry kung binabantayan ko yung facebook mo, naiinis ako minsan kasi sabi mo sakin wait lang, pero yung iba nirereplayan mo habang ako WAITZONED Psh. Hindi ko alam kung kakayanin natin to 3 years mahigit ka jan, chickboy mo pa aray ko be. Kung saan man tayo aabot masaya ko nakilala kita. Kahit pa totoo, na trip mo lang ako. Hindi ako maniniwala sa iba, hanggat hindi mismo ako ang saksi sa mga sinasabi nila. :) Be safe, Be good. I love you to the moon and back.
-pJ
















