Letter #770:ย
Dear Yats,
Nasasaktan mo din naman ako, kahit di mo alam. Yung simpleng pagbalewala mo sakin, masakit yun. Oo, di ko sinasabi sayo dahil ayaw kong magkagulo pa tayo. Alam ko na masasaktan ka rin pero mas okay na siguro kung ako na lang yung nasasaktan kahit di mo alam. Mas gusto ko kasing nakikitang masaya ka. Alam ko kung gano kahirap para sayo ang magmahal, dahil sa pamilya mo, natakot kang magmahal dahil baka masaktan ka din sa huli. Ayokong magbago yung tingin mo sa โloveโ. Ayokong isang araw magising ka na lang na di na marunong magmahal dahil iniwan kita, sinaktan.
Ang daming nagsasabing napakaswerte ko sayo, oo, tama sila. Blessed ako dahil minahal mo ang isang tulad ko. Hindi ako matalino. Yung ganda ko, walasinabi kung ikukumpara mo sa mga model. Yung katawan ko, hindi kasing sexy ng mga napapanood ko sa mga fashion runways. Ni wala akong makitang dahilan para mahalin mo ang gaya ko pero ang love talaga parang magic. Bigla bigla na lang dumating sating dalawa ng di inaakala. Ang cliche nga ng umpisa natin eh. Nagsimula sa pagkakaibigan hanggang sa nagkadevelopan. Minsan naiisip ko na mas mabuting magstay tayo bilang magkaibigan pero di ko yata kayang saktan ka, paasahin, at makitang masaya sa piling ng iba. I canโt let you go, yats. Tho itโs the only choice I have. Your happiness depends on me thatโs why Iโm afraid of letting you go without you knowing that Iโm hurting. Napakacomplicated natin, madaming humahadlang, pumipigil pero tayong dalawa patuloy pa ring lumalaban.ย
Napakalaki ng takot sa puso ko na baka isang araw may makita kang mas better o di kaya iwan mo na lang ako isang araw dahil hindi mo na ako mahal. Pero mahal kita kaya ako sumusugal. Kahit ang laki ng chance na di tayo ang magkatuluyan hanggang huli, wala akong pakielam dahil masaya tayo.ย Youโre the only one I could ever love more than myself.ย alam kong ang tanga tanga kong kumapit pa din kahit nasasaktan mo na ako, pero mahal talaga kita at tanging kaligayan mo ang magpapasaya din sakin.
Kung balang araw iwan kita o iwan mo ako, gusto kong tandaan mo na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito, yats.ย
ย -Grg










