Letter #1120:
Para Sa Iyo,
Kumusta ka na? Maayos ka ba? Iniisip mo ba ako? Sana oo. Kasi ikaw iniisip kita.
Naaalala ko pa din yung mga salitang binitawan ko sa puntod ng nanay mo na palagi akong nandyan para sayo, na hindi kita iiwan. Na gagawin ko lahat para maging masaya ka.
Pero katulad ng iba pang mga pangako, ang mga salitang ito ay lumipad na lang sa hangin… Hindi ko na nagawang kumapit… Pasensya na, nung mga panahon kasi na iyon, sugat sugat na ang mga palad ko… sa pagkapit ng mahigpit sa matagal na panahon.. Sa pagkapit mag-isa…
Naghiwalay tayo ng landas.. Ng buhay.. Ng pagibig.. Pero minsan naiisip ko pano kung kumapit pa ako ng mas mahigpit….? Paano kung naghintay pa ko ng mas matagal? Matutupad kaya ang mga pangakong binitawan sa isa’t isa?
Hindi ko alam. At posibleng hindi ko na malaman ang kasagutan. Ang alam ko lang, i owe you a lot.
I owe you a lot… …. … para hayaan kang maging masaya kahit na hindi na ako ung dahilan. … … para hindi ka hayaang magisa, kahit pa hindi na ako ang nandyan para sayo mo
I owe you a lot… kasi kahit anong nangyari, naging parte ka ng buhay ko sa loob ng mahigit na tatlong taon, minahal kita… at maaring mahal pa din kita.
Sana masaya ka.. kasi yun yung palagi kong hinihiling.
Always, Teure













