Hindi sa sinusumbat ko, pero ang kapal po ng mukha mo na siraan ako. Tandaan mo to. Yang mga tropa mo ngayon, sila ang diring diri sayo noon at ako lang ang tanging nagsasabi sa kanila na 'Huwag nyo syang pag usapan sa likod nya. Gusto nyo bang pinag uusapan kayo ng masama sa likod nyo?' Kung sinisiraan mo ako sa ibang tao, pwes, sana masaya ka na sa tinatawag mong true friends. Goodluck, kasi wala akong ginagawang masama sayo, pero para magkaroon ka lang ng kaibigan ulit dahil nakita ng mga kaklase natin yang attitude mo, sana masaya ka nang makakuha ng mga taong nagtitiwala sakin. Salamat sayo, nakilala ko na naman ang mga kaibigan ko na madali lang maimpluwensyahan ng mga tao na naninira sakin. Nakilala ko na naman kung sino ang madaling naiimpluwesyahan ng mga kwento. Sige, sana masaya kayo. Kahit lagi kitang pinagtatanggol kahit may attitude ka na, tangina, pinahahalagahan ko friendship natin. Oo napikon ako sa groupings, pero never sa personal. Yan pa ngang mga taong tinuturing mong true friends ngayon ang mga may sama ng loob sa ugali mo. Tangina. Ako na nga tong nagmamalasakit sa kanya kahit nakatalikod sya, ako pa pala mamasamain. Aba, tangina talaga.













