Kunyars
Mahigit limang buwan na yata nung huling tambay shat ko sa Carsadang Bago. Wala lang sinabi ko lang. De. Nakakatext ko pa naman sila, pwera lang kay Bygie kasi (if I know what I mean.lol) Kaso sobrang dalang lang talaga. Si macho man at si Bry lang. Hindi na talaga ako pumunta o nagtanong sa kanila kung may tambay shat simula nung huling aksidenteng nangyari. Tanginuh kasi nabastos na ko, ako pa hindi kinampihan. Kung sa bagay, tropa nila yung inakusahan ko. Magmamadaling araw na nun na nagpumilit pa talaga ako makapunta ng carbag kasi tinext ako ni bygie. Nageffort pa rin kuya ko na ihatid ako at magmotor mahatid lang ako dun. Saludo saludo pa sya sa kuya ko tapos nagpangako sakin na ihahatid ako sa terminal tapos malalasing at iiwan ako. Mejo hanep din talaga yung nangyaring yun. Dahil sa hindi ko kayang magalit o sadyang tanga tanga ako, hinayaan kong bastusin ako ng isang putanginang tropa nila. Buti na lang nakayanan ko umuwi nun kahit sobrang bangag pa ko kahit umaga na nun. Pero teka tangina bakit inaalala ko pa tong pangyayaring to? Moving forward, last saturday naganap yung Skoolampagan sa St. Mark, hindi ako nakapunta kasi umasa ako na maging entourage ng banda nila. Okay lang naman sakin na sabihin nang hindi ganun ka-harsh. E kaso ang sabi "Sorry nakalaan na sa mga first ladies namin etc etc" Ang harsh lang talaga ng dating sakin boy e. Pasensya na kay macho man. Naiyak talaga ako sa asar o bwiset nun. Iyakin talaga ko e. Wala pa rin talaga akong balak magparamdam sa kanila ulit. Kung may papansinin man ako sa tropang carbag siguro si Bry lang. O kaya kahit si Fudong din. Hindi ko pa alam irereact ko kapag nakita ko yung manyakers nilang tropa. Hindi ko na rin sinabi kay macho man yung nangyari kasi wala naman sya nun. Kung sakali man na maisipan magsorry nung kumag na manyak na yon, tatanggapin ko naman kaso I'll stay 50 meters away form him. LOL. HIndi ko alam ewan ko, may takot na rin kasing kasama kung mangyari man na mapadayo ulit ako dun. May trauma na kasi ko sa mga manyak simula bata pa ko. Ang ganda ko kasi. Hahahahahaha bwiset joke lang. Nagblog ako tungkol sa carbag kunyars tropa kasi kahit papaano miss ko na rin sila.
















