September 4, 2015
(part2) Wala nga kaming klase sa ethics kaya bumaba na kami para kumain tsaka tumambay. Nung naghahanap na kami ng tatamabayan sa harap ng gym, nakita namin si bae na naglalaro ng basketball. Kinabahan ako kasi etong mga tropa ko talagang nanuod na ng laro niya tapos ako ayon naiwan sa tapat ng gym. kabadong-kabado ako kasi cheer sila ng cheer ng “GO BAE!!!!!” kahit alam ko namang di alam ni bae na sya nga yung tinatawag naming bae. Nung nagsawa sila at nagutom, nakahanap kami ng pwesto para tamabayan habang kumakain. ang kaso dun pa rin sa tapat ng gym at kitang kita ni bae. nahihiya tuloy akong kumain hahahaha. nung natapos sila bae pumunta sila sa kubo sa tabi ng gym at kitang kita pa din namin pati na rin sila samin for sure kaya nahiya pa rin ako kumain. Feeling ko kasi natingin yon si bae sakin, di ko kasi sya makita kasi malabo mata ko. Tapos sabayan pa ng nakailang daan na sa harap namin si drummer tapos natingin pa tangena. Medyo nagsasabayan talaga sila ni bae sa araw na to e. Nung nakadaan na si drummer si bae naman uuwi na sila ng tropa nya at dadaan samin kaya kinabahan ako kasi for sure yung mga bunganga na naman ng mga tropa ko e gagana na naman. pero nakicooperate ang mga loka kaya tahimik lang sila hanggang sa nakaalis na sila bae. pero naghuling sulyap na naman daw. Sobrang bait ni lord sa akin ngayong araw! kaya i love you lord talaga. sa uulitin po ha ❤















