Alam ko na maraming tao ngayon na iba iba ang pananaw sa mga nagaganap sa ating kapaligiran lalo na sa estado ng pulitika dito sa Pilipinas. Hindi ko nais manira or magsaway sa kung sino at ano ang gusto nyong ipaglaban, dahil meron din akong sariling pananaw na pilit kong ipinaglalaban. May political party association man o wala, sana maging isa ang layunin natin na ang ating mga iluluklok sa mga critical na posisyon sa ating gobyerno ay yung mga karapat dapat. Yung sa palagay natin makakatulong sa ating pag unlad, pakikitungo sa mga karatig bansa at mag papatibay ng ating mga batas para sa ating kapakanan at ng mga susunod na henerasyon. Hindi ko nais iposisyon sa lathalang ito ang aking napupusuan sapagkat ang nais ko ay kahit paano ay tayo mismo maka isip at makadama base sa ating values, upbringing at konsiyensya kung sino talaga ang qualified sa mga posisyon na ito. Marami sa atin ang nagsasabi na tama na kasi ganito, ganyan sila, kasi ito ang background nila. Naisip ba natin suriin ng mabuti ang mga kandidato na pilit nating ipinaglalaban base sa kung sino sila, ang kanilang buong pagkatao, ang adbokasiya na meron sila, ang kanilang character, ang mga values na meron sila, at ang tipo ng leadership na kaya nila. Kailangan natin maging critical ngayon at suriin ng masinsinan ang mga tumatakbo. Ang boto natin ngayon ay hindi na para sa atin, ito na ay para sa mga anak, pamangkin at apo na siyang magtatamasa ng bunga ng ating desisyon at pagpili. Maaring pare-pareho lang silang mga qualified pero piliin natin ang mas mahusay pagdating sa larangan ng pamumuno. Isantabi na natin ang mga kulay na yan. Isipin natin na kailangan natin ng isang lider na kaya tayo pakinggan, kayang bumaba sa ating level, kayang magbigay ng maayos na desisyon para sa taong bayan base sa mga data, at higit sa lahat isang lider na may good moral upbringing at may takot sa Diyos. Ikaw, mag isip ka. Sayo nakasalalay ang ating bukas. #votewisely #valuesmatter #leadership #honestandcleanelection #knowyourcandidates #yourvotematters #yourvotesaveslives #ikawangbukodtangi #botomobukasnatin #yourvoteyourvoice https://www.instagram.com/p/CcPKklwL1iC/?igshid=NGJjMDIxMWI=










