December 20, 2013
Halos wala na akong mablog sa araw na yan. Halos lahat na kasi na pwede kong iblog nablog na nila camille at kim! hahaha Basta masasabi ko lang na nag-enjoy talaga ako sa araw na ito kahit halos wala na akong boses pagdating nang bahay. Sino ba naman kasi ang di mauubusan ng boses kung Listen, Alone at iba pang pambirit ang mga kinanta mo sa WOF?! Hahaha Sayang nga lang at di kami natuloy sa music box pero kahit na, at least MASAYA!!! Kahit apat lang kami! :)))
Pero ba't ba di kami nilulubayan ni *Marj*? Haha yung tipong kahit san mapunta may pangalan niya. Yung sa cold shack, yung pangalan ng isang wi-fi: Marj, pati sa Grissini, may nakavandal na "Marj" and add this: pagdating ko sa bahay, may binasa akong libro kung saan may character na may pangalang "Marj". Hahahahahahayst. Pero ang masaya rin sa "Marj" eh yung tipong sa lahat ng mga ginagawa namin may : "The Marj Way" Kung saan iniimpersonate namin siya. Pero sheeet! walang tatalo kay kim(Luciano) Hahahaha
Yun lang naman! =) Sa susunod ulit guys! Sa birthday mo CAMILLE! :P
XOXO
LOIS







