Paano ko sasabihin sa’yo na tigilan mo na ako? Alam ko naman kung ano talaga ang habol mo. Pero bakit, hinahayaan pa rin kitang gawin sa’kin yon? Haynako. Sana masabi ko sa’yo ito. Nahihirapan na ako sa set up natin. Sana naman maramdaman mo na lang mula sa’kin na kailangan ko ng kahit kaunting respeto mula sa’yo. Akala ko ba mahal mo ako? Pero bakit mo hinahayaan na parehas tayong mag-enjoy sa kasalanan? Ganito ba talaga ang pag-ibig at ang umibig? Nawawalan ng respeto sa katawang lupa? Bakit kailangan pa nating gawin yun? Nandidiri at nahihiya ako sa sarili ko. Pagkatapos kong maghintay ng matagal para sa isang dalisay at banal na pag-ibig, ganito lang ang mararamdaman ko? Ang mawalan ng respeto at hiya sa sarili dahil takot din akong tanggihan ka at ang pansarili kong kagustuhan.
Di pa rin pala ako sasaya. Panandalian lang. Lahat ng ito ay panandalian lang. Handa akong iwan ka ano mang oras at kailan ko gustuhin. Pero magiging makasarili ako kung gagawin kong iwan ka without considering yung mararamdaman mo. Hindi ako masamang tao. Sadyang makasarili lang ako pagdating sa pag-ibig. Gusto ko kasing maramdaman na ako lang. Ako lang kahit sa bawat mong salita. Ang hirap. Nahihirapan ako. Gusto ko nang kumawala sa ganito pero natatakot akong maramdaman ulit ang mag-isa. Pero mali. Mali na naman. Ilang beses ko bang sasabihin sa sarili ko na, “Tama na. Mas gugustuhin ko pang mag-isa kung mali pa rin naman ang relasyong papasukin ko.” Hindi ko naman ito ginusto, I mean, hindi ko ginustong lumangoy ng paulit-ulit sa putikan. Oo, gusto kong maramdaman kung paano magmahal at mahalin. Pero bakit mali na naman? Nakakainis naman e! Sana di mo na lang hinayaan na mangulit sya ng pagpupursige sa akin kung ganun lang din naman ang gagawin nya sa akin. Siguro dahil akala ko iba ka sa naunang nanloko sa akin. Muntik na naman makuha ang iniingatan kong “purity”. Hindi ako makatanggi. Hindi ko sya matanggihan. Naiinis ako sa sarili ko.
:(











