Para Sa Iyo
Sonetong Hindi Kailangang Nasulat ni Cerilo Rico Abelardo (1987) Hindi kailangan na nariyan ka pero nariyan ka nga at nakangiti pa Hindi kailangan na kilala kita pero heto at naguusap tayo Hindi kailangan na ibigin ka pero ikaw lagi ang laman ng aking alaala Hindi kailangang ipagtapat ang damdaming ito pero ipagtatapat ko dahil totoo Hindi mo kailangang umoo pero tumugon ka sana kahit paano May mga bagay na hindi kailangang narito pero totoo at nasa harap ko Kaya’t kailangang galangin katulad ng pag-ibig ko sa ‘yo.










