BUHAY FANGIRL KO.
Ang pagiging fangirl ay di madali. Tinatahak lahat para lang makita namin ang aming iniidolo. Nagpapakadesperasa, nagpapakafeeler. Hahaha mahal na mahal namin si Abra kahit di naman niya kami masyadong kilala. Yung kahit konting exposure lang nya sa tv o sa mga commercials para sasabog yung puso mo sa kilig. Di rin madali ang pagiging fangirl, May mga taong ayaw sa ginagawa mo. Kailangan mong pumili sa dalawa. Pero kahit na ganun pilit mong sinusuway yun. Kasiyahan ko naman yun e. Kailangan ko lang ng suporta. Pero ang masarap sa pagiging fangirl e nagkakaroon din naman ako ng mga bagong kaibigan. Walang huhusga sayo. Walang plastik. Lahat open tsaka nagkakaisa kayo sa lahat ng bagay lalo na kung tungkol sa iniidolo mo. Kaya nga kahit may nawawala, marami naman ang dumadating. MAHAL KO ANG MGA KA-ABRATISTINATICS KO.











