Isang kwento na puno ng pagkakaibigan.
Isang kwento na puno ng pakikibaka
Maari nga na tinaga na namin sa bato na anim lang talaga kami. Kaya nga kami tinawaga na Just6 at hindi Just6 now,Just 7,Just8,Beyond6 at etc. Maari nga sa aming pagtatapos ay nagsara ang isang kabanata ng aming buhay ngunit kaylan man hindi magsasara ang aming pagkakaibigan kahit ilang bagong kabanata ang magbukas at kahit ilang pahina pa ang aming isulat o bumili kami ng bagong sterling notebook para magsulat. Kami ay mananatiling magkakaibigan.
Paano nga ba kami nagsimula? Sa totoo lang hindi kami yung apat na taon nagsama, o yung 10 years na magkaklase.Isang taon lamang kami naging magkakaibigan.
Isang araw, pumasok ako sa classroom, dahil pangalawang beses ko pa lang masasalata sa pilot section medyo tense pa ako. Pero nakita ko sila Micah. Inaya nila ako na tabi-tabi raw kami. Noong mga panahon na iyon ay hinhintay ko si Alecx kasi mayusapan kami. So binilang naming kung ilan ba kami magkakatabi. Ako, Micah,Alecx,Dannica,Bhea,Gladys. Actually, may usapan na yung iba sa amin natabi-tabi sila so parang nakitabi lang talaga ako. HAHAHA. Binilangnamin ang mga upuan kung sasapat ba sa amin ngunit lima lamang yung upuan kaya lumitan kami sa pinakadulo kung saan isang deretcho ang upuan. Dito nagsimula ang lahat, sa First Day of class kung saan tabi-tabi kami at sabay-sabay nag lu-lunch.
Dumating na yung Student Government election kung saan hindi nanamin nakakasabay si Bhea at si Gladys kumain kasi busy sila sa campaign. Bilang isang kaibigan, tumulong kami. Biruin mo si Alecx at Dannica na hindi sumisigaw at malakas ang boses eh sumigaw para suportahan ang partido nila Bhea na mismo, “ I SUPPORT THE BLUE MOVEMENT.” Tanda-tanda ko pa, medyo nahihiya pa nga sila noong una. Bago mag Meeting de abanse, Nagpractice kami para sa Mismo, inabot kami ng gabi. Himala si Alecx na di pinapayagan umuwi ng late eh nagstay para sa partido. Aww. So sweet. Pero kinabukasan ako naman yung wala dahil sa ilang seminar dapat kong atenan.:(
Maari ngang matapos manalo nila Bhea at Gladys ay may mga araw na hindi naming sila nakakasama. May mga araw na ang Just6 ay nagiging Just 4 or Just 3 na lang. May mga panahon na napu-pull-out si Micah para sa Writers’ Guild at sila Dannica at Alecx para sa artist – ako lang ata ang hindi napull-out (T_T). Gayon pa man pinipilit naming magsasama.
Hindi lahat ng relasyon ay perfect parang sa amin. Hindi man kami ganun na dumaan sa butas ng karayom na pati yung mga problemang kasing liit ng langam ay pinagaawayan naming o pinagtatampuhan naming , kasi may mga sapak kami. (hindi ko na imemention kung ano yun)
Noong una nagbobonding at lumalabas kami bilang anim. Pero this past few days parang nagiging Chaperon kami sa mga date -_- HAHAHAHA. Hay nako hirap walang boyfriend. Pero at least nakapapagbonding kami sa small or big ways. Pero iba talaga kapag nanjan si crush o si bestfriend iba ang kilig na hatid sabay ayieee ng mga kaibigan.
HAYS. Basta. Naniniwala ako na kahit magkahiwa-hiwalay tayo. Itong AWESOME natin na kwento ay laging nasa puso natin. Kung magkakahiwalay man tayo naniniwala ako na magtatagpo din tayo isang araw at mabubuo ulit ang JUST6.
Marami pa akong dapat isulat at mahirap ikwento ang aming pagkakaibigan pero hindi kami matatapos sa Graduation o sa kuhanan ng card dahil patuloy naming isusulat ang kwento n gaming pagkakaibigan. Maraming mga okasyon ,celebration, kasiyahan o miski kalungkutan ang aming pagsasaluhan.
Hindi lang sa apat na sulok ng silid-aralan ang aming pagkakaibigan bagkus ito ay sa bawat sulok ng mundo.
Hayaan nyo akong i-describe sila isa-isa (real talk to):
Bhea : Siya na ata ang matuturing kong pinaka-active sa school. Siya yung tipong magkakasakit pagnababakante, yung lagi gusto may ginagwa o kaya may sinasalihang ek ek. Mahilig mabiro yan kahit korni pero siya yung taong punong – puno ng words of wisdom, meron ata siyang bangko ng mga inspirational words.
Micah: Sobrang seryoso sa pag-aaral. Yung tipong pag may ginagawa siya tapos kinulit mo , masasapak ka. Punong-puno din siya ng words of wisdom kaso mas malaki yung deposit ni Bhea sa bangko. HAHAHA joke. Pero kapag may problema ako o yung depress ako sya yung lagi kong tinatakbuhan at parang si superman at mabilis pa kay Flash nanjan sya agad para damayan ako. Mahilig din sya mag knock-knock joke at super corny.
Dannica: Eto yung pinaka luting, promise. Yung laging nakatulala kapag kakausapin mo. Hindi ko maintindihan hanggang ngayon kung ano ang fashion sense nya sa buhok kung nakapusod ba o lugay. Pero sya yung tao na kapag tumawa wagas at hindi nya ipapahalata sayo na nasasaktan siya ko nakokornihan sya basta ngi-ngiti sya at tatawa kahit naiinis na sya. Dannica yan ihhh. Hindi kapalastikan yun! Sadyang luting lang talaga sya :))) hahaha
Gladys : Actually, I can’t figure out kung ano sya. Hahaha joke. Napakaimportante sa akin ni Nene kasi siya yung magaling man real talk. Binago nya ako – so much for that. Basta gusto-gusto ko siya kasi sobrang sipag at determinado. Hindi siya mahilig mag joke pero mahilig siya mag “so true.” Si nene din yung tipong lagi kang dadamayan at papayuhan ka niya. Kahit wala siyang bangko katulad ni Micah at ni Bhea , eh meron naman syang alkansya na sapat upang malinawan ka.
Alecx: Oy 3 years kami nyan! Hahahaha! Ewan ko ba kung anong milagro o misteryo meron ang babaing yan. Hangang ngayon nababalot sya ng hiwaga para sa akin. Hindi ko nga alam kung magtatagal kami kasi baka isnubin nya ako sa college kasi ang rason niya, “hindi ko raw siya pinansin.” Awtsuuuu. Siya yung tipong may deadly stare at tsaka alam niya nya yun. Basta ang alam ko siya yung tao na baliw. Rock na ituuuu.
Salamt Just6 kung wala kayo, walang makulit,epal at masayahing AKO.
nagmamahal ang kaibigan nyong DYOSA