Before the anniversary weekend ends, siyempre dapat may collage. Siyempre. At kailangan may profession ng feelings. Hindi naman kailangan, gusto ko lang. Ang saya kasi e. Hindi parati, lalo na sa loob ng anim na taon. Ang gulo gulo nga noon diba. Kaya siguro doble o triple yung saya ngayon. Sobrang excited ako sa darating pang mga taon. Mag iinarte pa ako ng maraming beses, mag titipid pa tayo lalo, tataba pa tayo tas magiging hot ulit, mag aaway pa tayo, masastranded, mag sesermon sa isa't isa, pero sobrang ok lang. Sobrang nakakalma ako basta anjan ka*, payagan mo lang ako parating matuluan ka ng laway.