Mini Booksigning, Meet and Greet SM Pampanga 06/08/14 Masasabi kong ito ang the best na Mini BS ;) wag naman sanang magtampo yung iba pero kasi talagang kakaiba ang experience dito. Sulit ang pagod sa biyahe ♡ Nung una ay inaasahan kong 2-3hrs ang biyahe, since isang oras lang ang tulog ko sabe ko ay makakatulog ako sa bus kahit 2hrs lang. Pero dahil ginutom ako ay wala akong ginawa kundi ngumasab. Eksakto nang makaramdam ako ng antok ay nandon na kame sa palatandaan kong paikot papuntang Pampanga. Kapag pumupunta kasi akong Ilocos Sur ay yon ang palatandaan kong wala na ako sa Manila. Hindi ko ineexpect na within an hour ay makakarating kame ron. Yun kasi ang unang beses na nag-commute ako papuntang Pampanga. Nang makarating kame sa mall, syempre kain pa more na naman. Iba ang gutom ko kapag wala akong tulog d-.-b matapos kumain ay tsaka kame dumeretso sa venue ng event. Aba! Hindi ko inaasahang ganon karame ang tao ron! Syempre, hindi ko naman inisip na JIJIES ko lahat yun, sa dame kasi ng nagsabeng pupunta sila nung sabihin kong may BS sa SM Pampanga ay mas marame ang nagsabeng hindi sila makakapunta a day before the BS. To my surprise, malayo palang ako ay hindi na magkandaugaga ang mga nakatingin sakin. Hudyat na JIJIES ang mga natatanaw ko. Syempre, nandyan na naman yung nahihiya ako sa kanila pero para maangas tingnan ay ngiti lang d-.-b ngiti pa more! Lalo akong nasorpresa nang makita ko silang sabay sabay na pumila, ikinagulat ko ang pagbibigayan nila sa isa't isa na hindi kailanman nangyari sa mga nakaraang BS. Nasanay akong nag-uunahan sila. Nakakatuwa lang na talagang kahit na ang tagal nilang nakatayo, mga nakangiti pa rin sila sakin kapag sinusulyapan ko sila. Nagkakataon kasing may mga kailangan akong unahin dahil mga uuwi na agad at mga naunang pumunta ron talaga kaso hindi na makapila. May ilan din na nagrerequest ng pictures kasi wala silang books. Lalo akong natuwa kasi hindi mo man lang kakikitaan ng disappointments ang mga nakapila na imbes na turn na nila ay naudlot pa. Ang totoo, nakadagdag sa tuwa ko ang mga JIJIES doon na matagal ko ng readers. Talagang readers ko na sila wala pa mang sungkwenta mil ang aking reads. Nakakatuwa na hindi pa rin sila nagsasawang basahin ang mga payabang ko at hindi sila nagbabago sa kabila ng karamihan na nagbago na sakin. Nakakatuwa rin sa pakiramdam yung kada tingin ko sa pila ay parang hinde man lang ito nababawasan. Aaminin kong napapagod na ako at napagod ako, kase wala akong tulog talaga dahil sa trabaho. Pero mas ikinagulat ko na kahit pagod na ako ay naiibsan yun kahit papano dahil sa mga ngiti ng JIJIES. Nakakatuwa ng sobra sobra d^___^b kahit pakiramdam ko ay tinutubuan na ako ng puno sa masukal kong kili-kili ay talagang nawawala ang pagod ko dahil sa palangiting mga taga-Pampanga ♡ Hindi ko man kayo mapasalamatan isa-isa ay nagpapasalamat ako sa inyong lahat. Salamat sa magandang experience, mahigitan man kayo ng mga susunod pa ay sinisiguro kong hindi ko kayo makakalimutan. d^___^b Sa uulitin ♡ GOD BLESS, -maxinejiji