habang naglilinis ng laptop (deleting unnecessary files) nakita ko ung mga inipon kong video greetings para sa 60th birthday ni Mama 2 years ago (january 2017). birthday wishes from relatives na nasa malalayong lugar, friends from abroad, mga kapitbahay, students and teachers at mga bffs ni mama nung college... sa totoo lang sobrang hirap at ang dami kong inipon na lakas ng loob para mag ask sa mga taong hiningian ko ng mga video greetings. kasi its not my thing to ask someone para humingi ng pabor sobrang nahihiya talaga ako nun. kaya sobrang tuwa ako na may gumawa nung hinihingi ko sa kanila. buti nga tinulungan din ako ni ate Manna sya yung nakatoka sa school. ilang araw kong pinagpuyatan tapos lagi akong tinatanung ni mama nun kung ano ung ginagawa ko. syempre secret un sa kanya. pansurprise ko un eh. then nung nakita na nila ung video. sobra syang natuwa. kasi naalala daw sya ng mga bumati sa kanya. na kahit nasa malalayong lugar ung iba nabati pa rin sya sa birthday nya. kaya muli salamat po sa mga nahingaan namin dati ng mga video greetings. napasaya nyo sya. at Sabi nya un daw ung highlight ng 60th birthday nya. isa daw un sa pinakamagandang gift na narecieved nya... i never thought na that will be the last birthday party. ung bongga. akala ko mauulit uli eh. kaso nasa hospital kami nung 61st bday nya. buti na lang. pinush ko ung planong mangalap ng birthday greetings sa mga nakakilala kay mama. nalabanan ko ung pagiging mahiyain ko na mag approach ng tao. napasaya ko sya dun sa video at oil lamp souvenir ko. worth it ung puyat at trial and error na ginawa kong mga video. 😊 #foryouiwill eto ung nabasa ko na nagbigay sakin ng idea na gumawa at icompile ung mga video greetings. "But the most beautiful things in life are not things. They're people, and places, and memories, and pictures.They're feelings and moments and smiles and laughter" Happy 62nd Birthday Mama in Heaven. i miss you and love you so much. 😢 @baylonelena #happybirthday #missingyou #jan82019 #62ndbirthday https://www.instagram.com/p/BsWKKZuFNR_/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=1my14znikzcpp
Loading...











