Passion na meron sa blog ko? Magbitaw ng masasakit na salita para matauhan ang mga kaibigan. Mapaisip kung tama pa ba ginagawa nila. Magbigay ngiti sa iba. Magbigay ng mga bagong matutunan. Noon yan ang meron sa blog ko pero ngayon nabago na. Puro gigs o concert na madalas ipinipost ko. Hinihikayat ko yung iba na suportahan yung sariling atin. Libre man o hindi, malapit man o malayo sakin sakin yung event. Dahil alam kong masaya yun at makakabawas stress sa kanila. Kaya sana sa darating na enero 27 ay magkita kita tayo sa fusion 2017 dahil masaya to. Iba’t ibang genre ng musika ang ating mapapakinggan.















