“Mag papayat ka ineng. Ang problema kase sayang ang ganda mo. Walang mag kakagusto sayo, walang mag mamahal sayo pag ganyan ang katawan mo. Kaya papayat nang konti, ha?”
Na shock ako. Hindi dahil iniisip ko na ay oo, tama nga si tito, papayat na ako kundi dahil hindi ako makapaniwala na nasabi talaga nila yun.
Simula bata, malusog na talaga ako. Wala akong pinipili na pagkain, kung anong binibigay sakin, kinakain ko palagi. Mapa pinoy foods man or italian. Dagdag bigat pa ang fact na magaling talagang mag luto si Mama at mga lola ko, mahilig sila. Lumaki ako nang sinasabihan lagi nang Iniiwan ka lagi sa kusinang mag isa, no? or Lumolobo kana naman or Ang laki mong bata, maya maya mas malaki kana sa papa mo. Mga ganong salita. Pero bilang isang bata, di ko naman talaga binibigyan nang importansya ang mga sinasabi nila. Basta ang alam ko lang di naman kasalanan yung kumain ako, diba?
Then Elementary ako noon, nasa canteen kame, lunch time. Tumayo ako hawak yung plato ko dahil bubulos sana ako nang biglang may sumagi saking teacher na dumadaan. Bumagsak yung plato ko, basag. Nag sitinginan sakin lahat, pinag sabihan ako nang teacher ko Wag kana kaseng bumulos, tabang taba mo na nga, bubulos kapa, yan tuloy nakabasag ka nang plato. Tinawanan nila ako. Nahiya ako, tanda ko na gusto ko sanang umiyak pero wag nalang dahil lalo lang nila akong tatawanan. Doon nag simula ang lahat.
Nawalan ako nang confidence sa sarili ko, bossy pa naman ako noon. Hindi na ako masyadong sumasama sa mga handaan dahil tanda ko, ilang beses na noon nangyari na plato palang ang hawak ko, wala pa akong nasasandok na kung ano mang pag kain, may nakabantay na kaagad sa likod ko na tiyahin kong ready nang mag salita “Ay ang diet ha!” . Napapahiya ako lagi sa harap nang iba. Kaya nag desisyon ako, ayaw ko nang sabihan ako nang iba na mataba ako, na mas malaki pa braso ko kesa sa mga matatanda, na pang baboy ang hita ko. Ayoko nang ganon ang tingin nang iba sakin.
Nag simula akong di na kumain, kaso di ko naman makaya dahil nang hihina ako sa school, lalo na’t mag hapon lagi. So I decided to skip lunch, pero pag dating nang dinner sobrang dami kong kumain dahil gutom. Hindi ko talaga mapigilan, gusto kong kumain pero at the same time pag kumakain ako, I feel guilty kase alam kong di ako papayat sa lagay na yun, alam kong tuloy parin ang pang aapi nang ibang tao sakin dahil mataba ako at lalo akong tataba pag wala akong gagawin para matigil ang gutom ko. Then first year nang HS, twelve palang ako noon, I started throwing up everything. Everything. Sabi ko kase sa sarili ko, kung di ko mapigilan ang pag kain ko, sige, kakain nalang ako, pero kelangan mawala din kaagad yung kinain ko, para hindi na ako lalong lumobo, para di na magdagdagan pa ang tingbang ko. Kakain ako hanggat kaya ko pero sa huli kelangan mawala din ang lahat.
I still remember. After lunch, after dinner, after every single snack, ang saya ko kase nakakakain ako nang walang inaalala kahit sinasabihan ako lagi nang mga magulang ko nang tama na, na madami na akong nakain, ngumingiti lang ako dahil alam ko sa sarili ko kung anong mangyayari after every meals. Tumatakbo lagi ako sa banyo, at doon nangyayari ang lahat. Di ako tumitigil hanggat di na ako halos makahinga, hanggat ramdam ko na kaluluwa ko na ang sunod na lalabas. Red face, teary red eyes, shaky hand.
Routin ko na yun. Everyday. For almost 7 years.
Nabawasan ako nang 10kg noon. Ang tuwa ko, sabi ko sa sarili ko na eto, siguro okay na ngayon, diba? Na di na nila ako sasabihan na mataba. But you know what? Nag bakasyon kame sa Pilipinas noon. Aba, at ang laki nang katawan mo ha! or Ineng bakit di ka nag papayat? ang narinig ko sa mga kamaganak ko doon. Lumala ang lahat. I started trowing up even if wala naman akong kinakain. Pula na ang lumalabas. I was forcing myself. Hindi ko alam kung ilang beses kong nakita ang sarili ko sa salamin, pulang pula ang mukha, may hawak na toothbrush at umiiyak dahil di nila ako matanggap. Naapektohan pa pagka dalaga ko dahil naging irreg mens ko. Sabi nila dahil daw mataba ako, pero hindi nila alam ang tunay na dahilan. Kinahihiya ako sarili ko. Ang turo nila sakin ay mahalin ang sarili, pero paano kung puro negative ang sinasabi nila tungkol sakin? I was depressed. I was down physically and emotionally.
Oh, I forgot. Walang nakakaalam sa nangyayari sakin. Wala.
One day, hindi ko na nakaya. Kinwento ko sa isa kong pinsan lahat nang pinag dadaanan ko. Hindi ko alam kung tama ba o mali ang ginawa ko. Ang alam ko lang, 2 years after, bumalik ang pinsan ko telling me that she started too. And I was like, are you crazy? Sabi nya, binigyan ko daw nang sagot mga problema nya. I was mad. Sinabihan ko sya, sabi ko hindi dapat, wag, dahil masisira lang pagkatao nya pag ginawa nya yun at ayaw ko na maranasan nya ang hirap na nararanasan ko nung mga panahon na yun. Hindi nya ako pinakinggan, pinag patuloy nya. At alam nyo kung bakit? Dahil sino ba naman ako para pag sabihan sya, kung ako na nga mismo ang gumagawa nan mga ayaw ko na gawin nya.
The next day, I remember, I was doing what was my routin pero hindi ko matanggal sa isip ko ang eksenang nasa banyo din ang pinsan ko at ginagaya kung ano mang ginagawa ko. Nagising ako. Tumingin ako sa salamin, pulang pula ang mukha, hawak ang toothbrush at umiiyak. Naawa na ako sa sarili ko. Bakit? Anong ginagawa mo sa sarili mo? Bakit kelangan mong saktan ang sarili mo para maging perpekto ka sa tingin nang iba? Tanga kaba? Sino ba sila para sabihan ka nang mataba ka? Perpekto ba sila? Since then, after 7 years, kinausap ko ang sarili ko, ginamit ko utak ko at itinigil ko na ang lahat.
Mahirap. Naging mahirap para sakin ang ibahin ang routin ko. Nasanay na ako. Pero desidido talaga ako. Una sa lahat ang mahalin ang sarili ko. Pangalawa ang wag maapektohan sa sinasabi nang iba. Wala sakin ang problema. Kung ganto ang katawan ko, wala akong magagawa at wala akong gustong gawin. Ang problema nasasa taong mahilig mag judge nang nakikita nila nang hindi man lang iniisip kung nakakasakit ba sila o hindi. Mahirap dahil isang taon na ang nakalipas pero hindi ko parin masabi na gumaling na ako totally. Oo, hindi ko na ginagawa araw araw, pero nangyayari parin minsan, the last time was a few months ago.
Nung sabado lang nagyari na sinabihan ako nang tito ko nang papayat ka dahil walang mag mamahal sayo. I was shocked. Hindi dahil nahiya ako o nasaktan ako. Kundi di talaga ako makapaniwala na may mga tao pa palang ganon kung mag isip. Lalo na’t idinamay pa ang walang mag mamahal sayo pag mataba ka. Hello. Hindi ako para pumatol sa lalaking physical lang ang titingnan. Sumagot ako Sorry tito, di ko na po problema yun, problema na po yun nang mga taong di makuntento sa nakikita nila. Init nang pakiramdam ko, lakas loob kong sumagot pero ganon naman dapat, diba? Kung may lakas loob silang mag sabi nang papayat ka dapat may lakas loob din akong sumagot para sabihin kung anong iniisip ko.
Unti unti na akong natututo. Wala sakin ang problema. Iniisip ko kase na ayaw ko nang maging kawawa na alipin nang mga sinasabi nang iba. Kung ganto ako at di sila kuntento, wala na talaga sakin ang problema. Sila ang nakakahiya at sila ang kawawa dahil makikitid utak nila. Hindi ako pinanganak para magustuhan nang iba at ayaw ko nang mabuhay para matanggap nila ako.
Masaya na ako ngayon. Hindi ako payat, yung 10 kg na nawala noon? Nandito na ulit. At higit sa lahat minamahal ko na ang sarili ko at ipinag tatanggol ko na ito. Kaya kayo, wag kayong paapekto sa sinasabi nang iba. Kase pag nagawa nyo na ang gusto nila hahanap at hahanap parin sila nang panibagong masasabi para masaktan ka lang. Wag sanang mangyari sa kahit kanino man ang ngyari sakin noon, dahil hindi biro yun, mahirap, wala kang kakampi dahil sarili mo ang kalaban mo. Gamitin nyo lang utak nyo at gawin kung anong gusto nyo basta wala kayong sinasaktan.
And last, love yourself guys, lalo na pag masarap ang ulam!