Halos tatlong araw kaming magkasama ni Trisha. Haha. Nung Sunday, galing ako sa UST at malakas na ang ulan nun. At sa ganung lakas, alam kong babaha talaga. Pero habang hindi pa baha, nagdesisyon ako na pumunta na sa SM North para sunduin ko siya. At least, kapag bumaha man, may kasama si Trisha. Siguro mga 8pm na nun nung dumating si Trisha sa SM. Kumain muna kami saglit at sumakay na ng jeep para umuwi. Nung nasa bandang Blumentritt, España na yung jeep, huminto na yung jeep kasi daw malalim na yung baha sa unahan. No choice kami ni Trisha kundi bumaba sa jeep at maglakad sa baha. Parang De Javú nga e. Last year nung bumaha dahil sa habagat, naglakad din kami sa baha. Tapos ngayon ulit. Haha. Anyway, dahil nga baha at wala ng jeep, sumakay na lang kami sa tricycle papunta sa amin kasi malayo pa yun. Around 10:30pm siguro, nakauwi na kami sa dito sa dorm. Monday (08-19-13) Pinagluto ko si Trisha ng supposedly heart-shaped pancakes. Pero fail yung heart. Hahaha. At sa lunch naman, fried rice, hotdog at bacon ang niluto ko. Haha. After kumain ng lunch, pumunta kami sa SM para mag-grocery at magbayad ng kuryente. Paguwi namin, ginawa na namin yung graham-coated mallows. Haha. Sarap! At para sa dinner, nagluto kami ng burger steak :) Pinanuod din namin yung Fast 6 kasi di pa namin yun napapanuod. Haha. At habang nanonood, may apat na Tanduay Ice kami. Haha. Btw, hindi masarap yung black. Haha. Pait e. Talo pa yung beer. Tuesday (08-20-13) Dahil may natira pang pancakes, yun ulit niluto ko para sa breakfast. Pero hindi na heart-shaped. Haha. At para sa lunch, luncheon meat naman. Isang araw na ata kaming kain-tulog-internet lang e. haha. Grabe. Dapat tumaba kami nito. Haha. Nung gabi na, ininit ko na lang yung tirang luncheon meat at nagluto ng breaded chicken. Haha. Supposedly uuwi si Trisha sa dorm nila para kunin yung ibang gamit niya. Kailangan niya kasi umuwi sa Bulacan sa Wednesday. Pero dahil bumaha ulit at nilalagnat siya, dito na lang siya nagpalipas ng gabi ulit. Wednesday (08-21-13) Maaga kami gumising kasi uuwi pa nga siya. Past 6am na kami nakaalis dito sa dorm kasi pinatila pa namin yung ulan. Medyo matagal din kami naghintay ng jeep. Pero buti naman at may dumaan. Mga before 7am, nakarating na kami sa dorm niya saglit lang kami dun at sumakay na ng jeep papuntang LRT. At dahil matagal umalis yung jeep, nagtricycle papunta sa Doroteo Jose. Muli, umulan na naman nang malakas at bumaha pa nga nung nasa R.Papa na kami kaya sumakay ulit kami ng LRT papuntang 5th Ave at sumakay ng jeep papuntang Baliwag. Buti na lang at may bus naman. Yun nga lang, wala pang sumasakay kaya naghintay muna kami dun hanggang sa may sumakay na at umuwi na rin ako :) Grabe. Parang mag-asawa lang kami. Hahaha. Grocery at luto sa isang bahay. Masaya yung ganito. Parang practice na rin sa future :D