Walang humpay na pasasalamat.
Dahil gusto ko i-share, pagbigyan niyo na:
04 July 2012
Inaya akong sumali sa Ang Pahayagang Plaridel (APP) ng kaibigan ko. Since classmate ko naman siya at naging close(?) naman kami, pumayag ako. Wala namang mawawala diba? Ito ang araw kung saan kinuha ko yung registration form ko. Sumunod na araw ko din itong ipinasa, sa pagkakatanda ko.
Sumunod na linggo, nag-exam na ko. Nahirapan ako sa exam. Nabigla ako, actually. Pero ibinigay ko lahat para may masagutan naman ako kahit papano. Unang seksyong inaplayan ko, Retrato. Pero pinag-take na rin ako ng Isports. Andun na eh. Eh 'di lubusin ko na.
16 July 2012
Nalaman kong pasok ako sa seksyon ng Isports. Korespondente ako. Yay! Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung paano nangyari yun. Pero sobrang thankful din ako dahil bingyan ako ng pagkakataong patunayan ang sarili ko. Na kaya kong magsulat. Na kaya kong magsulat ng balitang Isports. KAHIT NA KATITING LANG ANG ALAM KO RITO.
20 September 2012
Na-promote akong Kasapi at nakuha ko pa ang award na Best Kasapi/Korespondente para sa buwang ng Agosto. Kung hindi ako nagkakamali, august din nung naligaw ako papunta sa San Juan para magcover. Sobrang saya ko.
09 November 2012
Birthday ni Tatay. Dito ko rin sinabi sa kanya na desidido na ako tumakbo bilang patnugot ng Isports dahi sa araw na rin na ito, na-enlighten din ako.
18 December 2012
Christmas party. Kinausap ako ni tatay. Change of plans.
30 December 2012
Nagpasa ako ng Letter of Intent. Halu-halong emosyon yung naramdaman ko nun.
07 January 2013
Ibinigay ang mga requirement na dapat i-submit. Nabigla ako, sa totoo lang. Pero ayun, nagsimula na din ako.
02 Februrary 2013
Ngayon ang deadline ng EB Kit. Ngayon din pinag-isa ang grupo namin. A-Team na kami ngayon.
02 March 2013
SPISH defense. Nag-survive naman kami. Though, medyo nagisa, I think?
16 March 2013
Defense ko. Grabe. Sobrang nerbyos talaga. Hindi ko ma-explain. Ako pa ang una. Pero ayun, medyo gumaan naman ang feeling ko, after. Though, alam kong flawed ang presentation ko.
01 April 2013
Announcement. Hindi ako mapakali, umaga palang. Ayokong isipin kasi lalo akong kinakabahan. Lagi na akong nagkakape kaya iba talaga yung kaba factor to the point na feeling ko, magcocollapse na ko, any minute. 6 pm dapat ang start kaso mga 645 na din nag-umpisa. Sobrang intense talaga nung nararamdaman ko nung nakaupo kami sa bench. Parang feeling ko, uhm.. Di ko pala ma-explain! Nakahawak lang ako sa katabi ko. Sobrang higpit. Nakayuko ako. Nagdadasal. Naiiyak. Nakapikit. Lahat lahat na! Nung in-announce yung position na tinatakbuhan ko. Lalo akong napahawak at mas lalo akong napapikit. Akala ko, pinapatagal pa nila. Tapos inuuga na ko ng katabi ko. Pagkamulat ko ng mata ko, nakita ko ang pangalan ko. SOBRANG SAYA to the point na naiyak na ko. Sobrang thankful ako sa opportunity na ipinagkatiwala nila sa'kin. Kahit na may three letter pa siya, gagawin ko lahat para matanggal 'yun. Aba, ako si Ma. Isabel Zeraiah Biyo at hindi ako sumusuko.
Dahil sabaw ang thank you speech ko kanina, here it goes:
Pumasok ako sa APP na may kakaunting kaalaman lang sa pagsusulat. Dahil siguro dun, lalo akong na-motivate na matuto araw-araw para naman makasabay ako sa mga tao dun. Aaminin ko, sa una, nahirapan talaga ako. Nangangapa pa eh. Pero na-realize ko, gusto ko talaga maging jourmalist at alam kong gusto ko ang ginagawa ko. Kahit na andiyan yung pagpupuyat, hirap sa pagcocover, etc. Worth it lahat kapag nakita mo na placed na ang article mo. Siguro nga totoo na kapag mahal mo pala yung ginagawa mo, makakaya mo.
Kulang ang salitang salamat para maipakita ko sa inyo kung ano man yung nararamdaman ko ngayon. Never ko inexpect na papasok ako sa isang publikasyon at mas lalong hindi ko inexpect na magiging isa ako sa mga mamumuno nito. Salamat sa suporta, tiwala, pagdududa, pagpapalakas ng loob, pagpapaalala, at pagbibigay ng pagkakataon upang makapaglingkod sa inyo. Susubukan kong gampanan ang mga tungkuling nakaatang sa akin at kakayanin ko anumang bagyo ang dumating. Gagawin ko lahat ng aking makakaya at tutulong sa pagpapaunlad ng APP.
Muli, salamat sa mga taong nagtiwala sa kakayahan ko. Salamat sa mga taong walang sawang sumusporta sa'kin. Ayoko ipangako pero gagawin ko ang lahat upang mapatunayan sa inyo ang sarili ko.
- Sab :)












