Yung mga kaibigan mong ...
Alam nyo yun. Para ka nang tangang gumagapang habang umiiyak at kumapit sa isang kung anu man na nagmuka ka nang tarsier at iyak ka ng iyak na parang iniwan ka ng mga magulang mo. Habang yung mga kasama mo ay halos mamatay na sa kakatawa sa isang taong halos mamatay na sa kakaiyak.
Yung feeling na umiiyak ka sa kung saang lugar sa sahig at may isa kang kaibigan na bumaba sa kama nya. At inakala mong bababa pala sya ng kama nya para i-comfort ka eh sobrang mali kasi bumaba pala sya sa sahig para dun sya magwala sa kakatawa.
Kung iisipin ko kung anu talaga yung itsura ko kanina eh siguro matatawa din lang ako ng matatawa. Di ko rin kasi inakalang iiyak pa ako ng ganun.















