Magkwento ako ng kulitan namin ni iamthebribery at ni spotlessmind.
Kaming tatlo ang halos ng bondingan.
Kaming tatlo ay sumakay sa jeep. Nagkwentuhan kung ilang taon kami noong unang gumamit ng internet. Sabi ko ako 14 years old. Friendster days pa. Si clarence 12 years old daw siya ng simula at MIRC chat pa ata ang gamit niya noon.
Si Micqua pala ay almost 3 years na nag tutumblr. Si clarence ay mag 1 year na sa march. At ako ay bagito pa lamang. Kaka 2 months ko palang.
Nanghinayang kaming tatlo dahil hindi namin nakita si nuhdeen. Pero tuwa kami sa bonding na nangyari samin sa timezone. Si rowi matangkad pala. Nanliit ako.
Kami ay nag Alay Lakad Meet Up sa may MRT TAFT dahil sobrang siksikan ng tao sa MRT, Sobrang haba ng pila. Ang dami naming lakad. Sobrang daming lakad na literal.Â
Kami ay nilalagpasan ng bus. Kami ay nagtataka bakit kami ay hindi pasakayin. Yun pala sa dulo pa ang sakayan.
Nakahanap na kami ng masasakyan. Sumakay na kami. Malamig ang aircon. Napapagitnaan ako ng isang pogi at ng isang maganda.
Malamig na malamig ang aircon. Buti hot ang mga kasama ko.
Nagkwekwentuhan kami ng ari-arian ni Clarence. Kanya daw yung condo. Sabi ko naman ako naman may lamborgini. Puro yabangan ng kayamanan ang pinag uusapan namin. Napapangiti nalang si Micqua. (Tama ba?) Bumili kami ng mani. Hubad na mani. Kinain ni Micqua (tama ba?) ang bawang. Pati si clarence. Bawang din ang kinain. Sabi ko sa isip ko sana boy bawang na lang ang binili ko. Ayon.
Tapos tumawag si amazingblair. Pero hindi ko nasagot. Kaya tinawagan ko ulit ito.
Sabi ko. HELLO BLAIR! PAUWI NA KAMI. NASAAN KAYO? INGAT KAYO. NEXT TIME ULET. At ibinaba ko ang telepono.
Kami ay bumaba sa farmers market at pumunta sa mercury drug. Bumili ako ng coke zero. Si Micqua naman ay Absolute Mineral Water. Si clarence wala ata. Kakain sana kami ng lugaw. Pero sabaw na kami para gawin yun.
Nag usap kami ng mga bagay bagay. At bumaba na si clarence.Â
Nag uusap kami ni Micqua. Kinikilig ako. Ikaw ba naman may magandang katabi at kausap.
Bumaba na kami sa Sta Lucia. Hinatid ko siya sa sakayan. Sabi niya ito na sasakay na ako ingat ka.
Ako ay tumakbo dahil ako ay lowbat na.
At ako ay nakauwing mabuti sa aming bahay.












