Pipilitin Mo
Pipilitin mong magpakalunod. Pilit kang aahon sa kababawan. Pilit mo ring sisisirin ang kalaliman.
Pipilitin mong maging malalim. Pipilitin mong masaktan nang may saysay. Pipilitin mong ipakitang hindi lang basta masakit.
Pipilitin mong malunod nang malunod sa'yong kababawan. Pipilitin mong masaktan nang masaktan. Pipilitin mong magalit. Pipilitin mong masanay.
Kaso may isa kang hindi kayang ipilit. Ang ipilit na siya'y kalimutan.













