Ano kayang pakiramdam ng mahal na mahal ka din…
Yung ikaw ang unang sasabihan ng “I love you”.
Yung bigla kang yayakapin at ikikiss.
Yung una kang sasabihan ng “mahal kita”.
Yung tatanungin ka kung kumain ka na ba or kung anong gusto mong ulam.
Yung iippost ka nya with nakakakilig na caption.
Yung hindi din makatulog ng wala ka sa tabi nya.
Yung may goodnight sayo bago matulog.
Yung lalambingin ka pag tinitopak ka.
Yung hahawakan ang mga kamay mo.
Yung tatanungin ka kung kumusta ang araw mo.
Yung pwede mong sabihan ng mga rants mo.
Yung lalambingin ka.
Yung may pa forehead kiss sayo.
Yung mamimiss ka.
Yung biglang mag memessag sayo.
Yung iuupdate ka kapag hindi kayo magkasama.
Yung pag tinotopak ka eh tatadtarin ka ng halik hanggang sa makita nya mga ngiti mo.
Yung gusto ka palagi kasama lumabas.
Yung pag nagseselos ka, iaassure nya na ikaw lang.
Yung hindi nya isisisi sayo kung bakit ka nagseselos.
Yung iaappreciate ka.
Yung susuportahan ka sa mga gusto mo.
Yung icconsider nya feelings mo.
Yung ipapakita nya kung gaano sya ka proud sayo.
Yung hindi ka itatago.
Yung ipaparamdam sayo na ang ganda at halaga mo.
Yung mag ssorry sya sayo kasi alam nyang naupset or nasaktan nya feelings mo.
Yung papatahanin ka nya.
Yung mag tthank you sya sayo.
Yung hindi ka iiwan.
Yung tipong hindi ka paulit ulit na sasabihan na “kung napapagod ka na mag hiwalay na tayo”
“Kung nagseselos ka mag hiwalay nalang tayo”
“Kung hindi mo kayang hintayin na kusa kong gawin mag hiwalay nalang tayo”
“ Wag ka na sa sumama”
“Wala lang yun”
“Nakakainis ka”
“Ano nanaman ang iniiyak mo?!”
“Ewan ko sayo, umiiyak ka nanaman!”
“Sana hindi nalang ako umuwi!”
“Inaantok na ako. Bahala ka dyan sa iyak mo”
“Hindi ka pa ba titigil?!”
“Ano ba?!”
Ano kayang pakiramdam mo mahal ko.

















