Sana naman mabasa nyo to.
Pasukan na. Gigising nanaman ng maaga. Pero ngayon mas maaga kasi babyahe pako ng punyetang dalawang oras mula bulacan hanggang manila. Pero hindi dun tungkol ang post na to. Tungkol ito sa mga ~*chicks*~ na nasa taas.
Ngayong pasukan, ibang iba to sa last 4 years na June sa buhay ko. Sa pagpasok ko sa gate ng school, hindi na mga pagmumukha nila ang makikita ko. Wala nang magsasabi saken ng "Gaga ka Renzelle" ng pagka-aga aga. Wala nang sobrang lutong na akala mo plapla ang bunganga sa kakatawa ang sasalubong sakin tuwing umaga. Actually, hindi ko alam kung pano ko ia-adjust ang sarili ko sa sobrang laking pagbabago ng surroundings at environment ko. Sabihin man natin na lima samen ang nasa iisang university lang naman, ang kaso, magkakaiba kame ng course at sched. So ganun din.
Ang post na to ay walang intensyon magdrama at maginarte dahil kahit na alam kong kahit sobrang dyahe ng sched natin, gagawa at gagawa tayo ng paraan para magkita. Gusto ko lang gumawa ng parang appreciation post tungkol sa bawat isa sakanila. Here it goes..
From left to right:
Stooch (Esther Mae Lopez) - Ang babaitang yan ay nakasama ko na simula Kinder (ata) dahil ganun kame ka-loyal sa school namen. Kung pagbabatayan din naman ang likes at pagiging relihiyosa, siya na ang pinakaparehas ko. Mahilig sa mga banda. Ka-YFC ko din sya. Akshwali, siya talaga ang nagrecruit saken sa YFC. At sobrang thankful ako dun. Naks! Sobrang sweet niyang babae, dahil sa lahat ng kaibigan ko, siya lang ang kinikiss ko. Napagkasunduan din pala namin na magiging asawa ko yung kapatid niya, si Ezekiel. <3 Sa pamamahay niya ang pinakamasarap na lugar para pag-overnight-an. Kasi naka-aircon, at masarap ang hapunan at almusal.
Banegra (Vanessa Ortega) - Hindi man halata diyan sa picture, MAITIM TALAGA SIYA. Joke BWAHAHAHA! Kung tutuusin, kung ililista ko lahat ng bagay na pinagkakasunduan at lahat ng kabalahuraan namin, baka abutin na ng pasukan, hindi pa tapos. Charot. Ang babaeng yan, ang kasangga ko sa lahat ng kalokohan ko. Saksi siya sa lahat ng pangyayare sa buhay ko. Well, syempre maliban yung mga pangyayare bago kami magkakilala. Alam na niya siguro lahat ng tungkol sakin. Hindi man namin gustong label-an ang isa't-isa, siya na siguro nga ang bestfriend ko. Pero ayoko pa din iconsider kasi corny pakinggan. At basta. Ayoko. Ayaw din naman niya siguro. Sa aming anim, siya lang ang nasa ibang school. Nasa Mapera Institute este Mapua Institute cheverloo siya. At inaasahan kong balang araw, igagawa nya ko ng sabon at pabango.
Yang mataba na susunod, ako yan. Ganda ko no. Liit nga lang. At mataba. MEHEHE
Pornyang (Stephanie Guilalas) - Proud akong sabihin na ako ang nagbansag sakanya ng PORNyang. Kaya ayun, napasa na ng napasa. Anyway, itong babaeng to ang kasundo ko din sa music. Andameng alam na OPM band neto. Kasundo ko din siya sa height dahil halos magkasing tangkad lang kami. Masasabe ko ding magkasundo kame pag dating sa sense of humor. Madali lang mapatawa tong babaeng to. Mababaw kasi. JOKE. HAHAHA! Sya rin pala yung pinakamapera saming lahat. Kaya takbuhan ko yan kapag gipit ako. Jk. Isa lang ang pangarap ko para sa babaitang to. Sana, lumipat na sila ng bahay. Yung malapit sa kabihasnan para hindi na dyaheng pumunta sakanila.
Basbas (Charlene Basbas) - ETO NA PUTANGINA. Namuti na yung mata ko, wala pa din akong maisip na positive na masasabe tungkol sa babaeng to. De joke. Ano, basta meron siyang positive, hindi ko lang talaga maisip. BWAHAHA! Ang babaeng yan ang pinakabalahura, pinakamalakas magmura, pinakagago, at pinakatanga (joke bwahahahahahahahaha) sameng anim. AT! Siya din ang nagiisa samin na hindi pa nagkalovelife. If yer know what I mean. Bukod sa magkalink din ang sense of humor namen, wala na talaga akong ibang masabe. Next time nalang pag meron na. JOKE. HAHAHAHA! Panigurado, pag nabasa nya to, uulanin nanaman ako ng mura. Yun lang. HAHAHAHAHAHA
Maumau (Judea Maureen Gojo Cruz) - Hanggang ngayon, hindi ko talaga alam kung nakahiwalay ba yung GOJO ng pangalan nya sa CRUZ o isang word lang na GOJOCRUZ. Ay ewan. Ang babaeng to ang magpapamana ng boyfriend niya sakin this coming November. Dapat talaga July kaso nanghingi ng extension yung lalake kaya pinagbigyan ko. JOKE. HAHAHAHA! Palage rin akong inuulan ng mura galing sakanya dahil palage ko siyang ginagago. May pagkasweet pero hindi sa personal. Siya din yung palageng interesado tungkol sa mga nangyayare sa lovelife ko. Wala nakong masabe pero gusto kong magpasalamat sa kanya dahil sa huling mga linggo ng school year namen, siya ang nagsponsor ng baon ko. Sobrang gipit kasi ako noon at walang tao sa bahay namen ang may time na gawan ako ng baon. At hanggang ngayon, hindi ko pa din natutupad yung promise kong ako naman ang sasagot ng lunch namen. Sana nakalimutan na niya yun. Kaso maaalala niya ulit kapag nabasa niya to. DAMN.
So ayan, ansarap sa feeling na kahit hirap ako, pinilit kong idescribe silang lahat. Mahal na mahal ko yang mga yan. Sana talaga matupad yung planong pagtira namen sa iisang dorm dahil alam ko sila lang ang tumo-tolerate sa mga kabalahuraan at kagaguhan ko.
PS: Kung nabasa nyo man to, puneyta pilitin nyo namang i-appreciate, effort ko kayang magtype.










