Bus Stop
Ang hirap din kasi minsan sumigaw ‘di ba? ‘Yung tipong siyempre hindi naman pwedeng basta ka na lang magtanggal ng stress mo by simply screaming na parang wala kang kasama sa office mo. Tsaka, bakit ka naman kasi biglang sisigaw? Actually besh, ang bigat bigat na ng dina-dala ko, minsan mas mabigat pa nga ata sa mga boobelya ko, nakakaloka. Pero sa kabila ng lahat, pikit-mata na lang ako sa mga happenings sa solar system kasi kahit naman sumigaw ako basta dito, hindi rin naman ako makakatulong sa problema sa ozone layer besh, So, wit na lang akes mag givlak ang time after sa time sa mga problem solving events ng truly yours ‘di ba?
Kaloka lang nu’ng isang araw, nag-iisip kasi ako kung ano na namang outlet ang pwede kong gawin para makapag hanash ako sa mga experiences ko lately. Hirap kaya mag pour ng emotions sa social media ‘di ba? Kasi agad ka nasasabihan ng mga board of judges mong friends, family, and relatives na ang dami-dami mong kyeme sa buhay haha. Problemado na nga sila sa taas ng presyo ng sili, pamasahe, matrikula, bigas, at pang kilay tapos eeksena ka pa sa newsfeed nila nagsasabi ng kung anu-anong drama sa buhay. So, in all fairness, ang busy masyado ng mga tao na umintindi ng emotions mo. Medyo mahirap tanggapin, pero ganoin tologo ‘di ba? Sa sobrang bilis ng pagpapalit ng petsa sa kalendaryo, ganoon rin kabilis magbago isip ng mga tao. Honestly, we are never in control of what’s happening around us. The only thing that we can do about it is by adapting to our changing environment.
So ayon na nga, mental and emotional pressure na naman ang labanan for today. Ang gulo-gulo ng isip ko. Ang dami ko ng naiisip. Nagsasalin-salin na ako from one thought to another. Sabi nila, ‘yung mga nag-iisip raw na magsuicide, selfish, weak, duwag (luuuh ‘di alam english ng duwag?), kaya ayon sila, kung anu-ano na lang bigla pinaggagagawa sa mga buhay nila. Pero sa tingin ko kasi, hindi naman lahat makasarili. Na inisip lang nila sarili nila or tumakas lang sila sa mga problema nila kaya nila naisip na magsuicide? Hindi naman siguro. Hindi naman sila gano’n ka-hina o ka-duwag para lang tumakbo papalayo sa mga bagay na hindi na nila kaya pang dalhin.
Kaya bumitaw kasi napagod na sila. Napagod na umunawa sa kung ano ba talaga ang gustong ipaalala o ituro sa kaniya ng mundo. Napagod na magpaliwanag sa mga tao, sa kung ano ba talaga ang nararamdaman niya o kung ano ang mga nagpapabagabag sa kaniya. Napagod na maging malakas. Kasi sa tinagal-tagal na panahon na pinili niyang manatili na matapang at palaban, hindi na kinaya ng puso niya. Kasi sobrang bigat na, sobrang sakit na, kasi parang sobrang daya na ng mundo sa mga options na binigay sa kaniya.
Napagpilian na kasi lahat ng options niya mula A to Y. Z na lang ang natitira eh. None of the above pa.
Ang saya bumalik sa mundo ng vlagging Oh My God!!! AHAHAHA. E paano naman kase ‘day wala naman akong pang capital sa mga gadgets ng mundo so sa tingin ko mas okay na magstick na muna ako sa kunwaring talent ko sa pagsusulat. Alam ko namang sarili ko lang din naman ang magbabasa neto kaya ‘wag ko na lang utuin sarili ko hahaha.
Dear Self: Oh ganito na lang para hindi ka na masyadong nalulungkot sa mga pangyayari sa buhay mo, magfocus ka na lang muna sa pagsusulat ng mga vlaggs mo haha. At least dito man lang may mahanap kang katahimikan ng isip at puso mo. Wala na tayong magagawa siguro sa pananakit ng mundo sa’yo dahil aminin man natin may pagka-maldita ka naman talaga ‘di ba so masasabi natin na baka deserving ka naman talaga sa mga inaani mong paghihirap. Charot! Haha. Basta, tanggap na lang ng tanggap e sanay ka naman na kamo sa mga bagay na nawawala sa’yo ‘di baaaaa? Hahaha. Sa susunod na entry baka pwede mo na simulan ang kwento sa Bus Stop, sa ngayon puro chika muna.
Osiyaaaaa.
Hanggang sa muli;, Lulu














