unang debate palang pero ang dami ko nang nalaman grabe (3/20/12)
Sulat lang ako ng napagtanto ko ah, para mabalikan ko mamaya.
Napagtanto ko na may panahon pala sa buhay ko na hindi rin ako masyadong bukas sa pagtanggap ng mga LGBTQ. grabe kung pwede ko lang burahin yan sa nakaraan ko pero siguro may rason din kung bakit napagdaanan ko yun:
mas naiintindihan ko na ngayon na hindi lamang pang-indibidwal na lebel ang pag-intindi sa espektro ng kasarian, pero malaki ang papel ng mga aspekto ng kultura (mga kaibigan, pamilya, simbahan, midya) sa prosesong ito.
^^^ayiee tunog nagdedebate na ba ako :”)
Buti nalang napanood at nag-matterload ako tungkol sa Sirena at LGBTQ ngayong gabi noh. Mas naiintindihan ko na kung bakit dapat tigilan ang diskriminasyon laban sakanila, lalo na ang diskriminasyong hindi ko alam na nagagawa ko rin pala :((((((
Nakwento sakin nung isa kong kaibigan na nangyari sa kanya yung isa sa mga linya dun:
“Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama
Na tila di natutuwa”
hnggggggggg :((((( ang bigat!! nangyayari siya sa totoong buhay at hindi nalang ito debate debate! kaibigan ko na ito,, hay.
sa ngayon,, natututo pa ako, pero nangangako na akong magiging boses ako.
magiging kakamping boses ako ng mga sirena sa mundo <3










