I guess, I should end this here.
Sawang-sawa na ako na ako yung laging iniiwan. Â Pwede ba ngayon, ako naman? Ako naman yung lalayo para hindi ako gaanong masasaktan. Â Lagi na lang akong iniiwanan at napag-iiwanan. Â
Salamat sa misunderstood messages, sa mga kilos na masyadong na-over think, sa mga tingin na kunwari, may kahulugan.
I was nothing for the past months. Â Napakasarap kasing mag-assume.
Actually, the only thing that's holding me back is this thing that I feel for you... that I have to let go.
Akala ko kasi appreciated ako. Â Akala ko mahalaga ako. Â Akala ko, may posibilidad... yung pag-asa.. Akala ko, hindi na ako magiging back-up girl.
Patay na patay na ako dahil sa akala. Â Bocha.
At ngayong tina-type ko bawat salita rito, pinipigilan ko yung pagpatak ng luha ko dahil nandito ang tatay ko. Â Umiyak na nga ako hanggang nakatulog ako kagabi, tapos ngayon iiyak na naman ako.
Nakikita ko na yung mangyayari sa dulo. Â Babalik lang naman tayo sa pagiging estranghero sa buhay ng isa't isa. Â Yung mga kinatatakutan kong marinig, alam kong malapit ko na ring marinig. Â
Binubuo ko na nga yung kastilyo ko, saka naman dumating yung malaking alon. Â P*nyeta.
Heto talaga yun John Jonnie, umuurong ako kahit mahal na kita. Â Inaamin ko na. Â Pero hindi ko na kayang magmahal sa taong hindi naman ako kayang mahalin pabalik. Â Matagal na akong napagod sa pagiging martir. Â I don't want to be taken for granted. Â Yun kasi yung nararamdaman ko. Â Sorry ha, ambisyosa kasi ako.. at ilusyonada. Â Dapat umpisa pa lang, hindi na ako nahulog sayo.