5/30/16 Part 2
6:30 something nasa lipa sci na ako wow proud na ako doon hahaha. Tas wala akong makitang kaklase ko kaya inikot ko na lang ang school at nakipagkwentuhan sa mga nakasalubong ko. Hindi naman ako nahiya kahit mag isa lang ako naglalakad kasi naman lipa sci yon ano ba, four years naman yon ano ba char haha. Ayon pala ay nasa library lang sina joan ano ba yan. Gustong gusto ko maglinis kasi alam kong may mga masasabi sa amin ang teachers tsaka kaya naman talaga pumunta ay brigada naman. Medyo matagal kaming nag-antay para sa mga cleaning materials tas ayon naglinis na kami. Umalis muna ako kasi pumunta akong early start then bumalik before 1pm. Tagal namin nakinig sa kwento ni Andrei (g7) ang daming knowings at learnings hahaha. Ang talino nya ang dami niyang alam jusq haha. Then kumain kami nina joan at jamile ay kumain sa clemente’s cuisine. Masarap at sulit ang foods hehe babalikan ko yon. After kumain daming kwento as usual. Mga kwentong kahit ilang taon na napag-usapan ay binabalik-balikan pa rin at laging may additional infos haha. Bumalik kami ng lipa sci tas wala na kaming nagawa kundi magkwentuhan na naman jusq hahaha. 4:30 kami umalis sa school pero di pa kami umuwi. Pumunta kami sa 7/eleven para kumain tas mini stop kasi walang cookies and cream ni jamile tas balik naman ng 7/eleven dahil walang Pic-A HAHAHAHA. Tagal naming nagkwentuhan hindi talaga nauubusan bakit ganon huhu hahahahaha. Ang Fallen talaga ang kaya kong kausapin ng all things under the sun haha. Tipong at 5:44 we are talking about future husband ganern, then 5:45 black hole na ang topic. Ang OA ko sa 1 minute na yon hahaha pero ang gara talaga ng mga nagiging topic namin. Jusq 14 days na lang iba na ang mukhang makakasalamuha ko sa pagtungtong ko sa shs. Kinakabahan ako na natatakot na ewan kasi pakiramdam ko hindi na ako makakahanap ng katulad nila. Baka forever alone ako kasi ang boring ko kausap for them. Di sila sanay na mga medyo pa-deep thoughts ko huhu. Sana naman magkahanap ako kahit isa lang na kayang sakyan ang mga trip ko huhu pls.







