That certain someone
I know someone. I hardly know him. Actually, I didn't like him at first. He's arrogant. And he's rude. And he's churlish.Â
Tuwing nakikita ko sya, palagi at palagi akong napapatitig sa kanya at napapaisip bakit kaya sya ganon? Bakit kaya ang nega negative ng vibes na nagmumula sa kanya? Hindi ko alam. Naiinis ako sa kanya, pero mas naaawa ako sa kanya.
Naaawa ako kase hindi sya katulad ng ibang bata na naranasan ang isang masayang pagkabata. You can see it from his eyes. You can hear it from him.Â
Habang nakikilala ko sya, lalo kong naiintindihan kung bakit ganon sya. I admit, kahit sguro sa mga panahon ngayon, yung mga alam ko sa kanya, hindi pa aabot ng 1/8. Madami pa din akong di alam. Kaya malamang, madami pa rin akong hindi naiintindihan at maiintindihan.
I hate to think na may mga bata pala talaga na nakakaranas ng hindi magaganda. Nakakagalit. Isang bagay lang talaga ang ipinagpapasalamat ko na napunta ko sa field ng Psychology e. Kase atleast aware ako na may mga bagay na pwedeng maging effect sa isang bata sa future nya depende sa mga early recollections nya, kung pano sya tinrato ng mga tao sa paligid nya. At makikita yun sa behavior nya, sa mga dispositions nya.
Dear certain someone, sana huwag kang magpatalo sa mundo. Huwag sanang magpatuloy ang mga negative na nararamdaman mo sa mundo at sa ibang tao. Don't let hatred rule your life. Do not isolate yourself from others. Connect with people, not virtually but personally.
Realize that there's still goodness, there's hope, and there's love. And that we love you. Very much.











