BROWNOUT
Napuno ng mura ang iyong kwarto nang mawalan ng kuryente,, hindi mo kase inaasahang darating ang araw na ito sa buhay mo. Halos naka-angkla na kase ang buong buhay mo sa internet kaya wala ka na ring pakialam kung ang mundo pa rin ang siyang umiikot sa araw. Tanging ang computer at ang mga virtual friend mo mula sa iba’t ibang social networking sites lang ang kausap mo buong araw.
Kung minsan mga pagkain mula sa websites ng mga fast food chaining pinapa-deliver mo para makakain ka – ‘yan ay kung wala ang katulong ninyo para magluto sa’yo. Hindi na rin pumapasok sa eskwelahan, mas pinipili mong ipagpatuloy ang pag-aaral mo sa kolehoyo nang naka-home study na lang. Gamit ang skype at webcam ay sinusubukan mong palawakin ang iyong imahenasyon na dumederecho sa malalaswang bahay na nagagawa gawa ng temptations.
Hindi mo alam kung ano ang gagawin mo, ngayong ang tanging mundong alam mong galawan ay ipinagkait pa saiyo. Hinihiling mo na lang sana, hindi na tumagal ang brownout dahil hindi mo na alam kung matatagalan mo pa ang ganitong sitwasyon. Hindi ka matahimik, makakailang ikot ka na rin sa loob ng iyong kwarto. Iniisip mong ayusin ang iyong kuntador, baka sakaling may magawa ka at magkaroon ng kuryente, ngunit alam mong wala ka naman talagang magawa kundi mag-intay na magkakuryente muli.












