A reaction to the AMALAYER ruckus
To my international-non Filipino Followers: This is a reaction post about a viral video currently circulating in the Filipino cyberzone about a girl shouting at a lady guard at one of the Manila train stations. :) You may google "AMALAYER". Or skip this post altogether. :)
Noong isang araw ko pa nakita itong video na ito. I wondered what the ruckus was being shared roundabout. Anyway, I'll just give my two cents sa 2 side ng istorya (lady guard & the lady student)
Lady Guard: I think, may kabastusan na ginawa si ate sa ating AMALAYER girl, dahil wala namang taong nasa katinuan (at nagcocollege sa isang magandang paaralan) ang basta na lamang puputok ng ganoon. Kung totoo man na binastos niya ito, sana ay mas maayos na lamang na kinausap (with courtesy) kaysa sa typical filipino "grumpy style, im with authority so fricking follow me" fashion na ginagawa ng pinoy na in-charge sa iba;t ibang pangyayari. Maging lesson na sana ito para sa kanila, na hindi lahat ay magiging passive sa pang-gaganun nila sa mga tao.
ON THE BEAUTIFUL OTHER HAND, akin din namang kinocommend si ate dahil nagsimula na siyang mag-sorry sa huli. Kaya okay yung point na iyon. Ngunit, WAG SANA nila isipin na ang pamamahiya at pambubully sa ating AMALAYER ay nagsilbing ganti. DAHIL, may mali pa rin sila.
AMALAYER: Maganda itong si ate (check). Mukha namang matalino, wala namang problema ang grammar niya noong nagsisigaw siya. Na-agrabyado lamang siya, maybe mali lamang na nagsisigaw siya. Sana sa susunod ay matutong magtemper control, dahil pag tayo ay galit, nasasabi natin ang mga bagay na alam natin na hindi naman nagrereflect sa atin bilang tao. Kung talagang naiipit ka, mas mabuting magsubmit ng letter sa office or di kaya, pumunta doon ng personal at saka ireklamo ng maayos.
Pinagtatanggol lang naman ni ate yung sarili niya, mali nga lang ng paraan, at naunahan ng emosyon, ngunit hindi niya deserve ang pambubully ng mga netizen. Im sure, yung iba dyan, ganoon din ang gagawin. She was just unlucky enough to have a camera pointed at her when she threw in her temper.
AYAN. yan reaction ko. May mali at tama ang bawat side. :> Close the issue mga kaibigan, mas marami pang problema ang bansa natin, kaya wag na nating palakihin ang usapan. close na natin. :)













