Day 1
I guess this is the starting point. Sana magawa ko lahat ng goals ko, simula noong pumasok ang 2020 sakin hindi naging maganda ang simula. Parang hindi pag babago ang naramdaman ko, lalo akong naging tamad, naging masungit, lahat lahat parang bumalik. And since nag stop ako ng work ko ng 1 week konti konti. na kuha ko ulit ang nawawalang fighting spirit ko. Sana nga ito na yun. Hindi man naging maganda ang simula pero atleast sinusubukan ko parin mag bago. From this day, sisimulan ko na ang buhay ko na maayos, may direction at naniniwala ako na dahil ito kay God. Nawawala na kasi ako sa landas kasi di ko sya nakakausap. May mga bagay talagang darating ka sa point na mapapagod ka din pero kailangan mong bumangon para maging malakas at maging maayos kang leader. Oo leader ako, hindi lang basta leader bread winner sa family kaya hindi pwede na maging ganito lang ako. Please, i need myself to back again and dream again. I hope and I pray. 1/15/2020 9:34 Journal Number 1













